Saturday, November 10, 2012

UGLY BABY

Lumaki ako na may "UGLY DUCKLING SYNDROME"



Hindi ko lubusang sinisi ang isang tao sa pag-iisip kong iyan,
Ngunit napaka-laki ng nagawa niyang epekto kung bakit ang
Baba ng tingin ko sa sarili ko lalo na sa pisikal na kaanyuan

Sa maraming pagkakataon pinaramdam niya sa akin
na hindi ako kailanman makakapantay sa kanyang kagandahan,
katayuan sa buhay, sa katalinuhan,  at kasikatan.


 > Sa isang School Org. na magkasama kami ngunit parang hindi
    ako nag-eexist dahil hindi naman daw ako sikat bakit ako nanalo.

 > Sa Monito-Monita na napapasimangot siya kasi hindi
    Niya gusto yung natatangap mula sa akin bilang mommy niya.

 > Sa mga school programs na palaging sinasali lang niya ako kasi
    No choice na at pampuno sa linya ng mga sasayaw

 > Graduation day kung saan iisang Parlor ang pinuntahan namin
    At isang makamatay na irap ang pinukol sa akin dahil
    Parehong-pareho ang buhok at make-up na ginawa sa amin


Sobra-sobrang kumpyansa at tiwala sa sarili ang nawala sa kin
Mula pagkabata hanggang sa paglaki ko, hinayaan kong lamunin
ako ng insekyuridad dahil sa mga karanasang iyan at marami pang iba
sa tao na to. Habang tumatanda ako, maraming pagkakataon na may
gusto akong gawin, puntahan at subukang mga bagay ngunit dahil sa
mababang pagtingin ko sa sarili ko, hindi ko sinubukan

Naniniwala ako na bukod sa kinalakihang Kultura at tradisyon,
May iba pang pinangga-galingan ang bawat tao sa kung ano ang
Karakter, prinsipyo at pag-uugali niya sa kasalukuyan.

Nasulat ko to dahil sa tanong ng anak ko isang gabi :

“ Mommy bakit ang hilig mong mag-post ng picture sa facebook, 
ang dami-dami na…”

Kaya’t dahil dito, tinanong ko ang sarili ko -

Saan nga ba ako nanggagaling?

Ang sagot ko – hindi ko gustong magyabang, magmalaki 
o umani ng mga “likes”.

Siguro lang gusto kong maramdaman na nakabangon na ko sa napakatagal
na pagkakakulong sa isang pangit na karanasan. Gusto ko lang sabihin
na bumalik na muli ang tiwala ko sa sarili ko.

Na may natutunan ako sa pangyayaring halos lumamon ng
pagkatao ko – Na  bago ako mahalin at iangat ng iba,
dapat ako muna ang mag-angat at magmahal sa sarili ko.

At ang tao na ito ay nag-iisa lang kumpara sa mga taong
Naniniwala sa aking kakayahan.

Hindi ko man kayang lagpasan ang kanyang kagandahan,
katalinuhan at kasikatan, pero ngayon kaya ko ng makipag-sabayan
at hindi na muling matatakot at hahayaang makulong
muli sa paniniwalang "UGLY DUCKLING AKO”



baket?




Kasi nga, MAGANDA NA AKO! : )




Monday, November 5, 2012

OCTOBERFEST


The last three years with you has not been easy.
Too often, you and I get so caught up in the little
everyday moments of life though, but we've managed
to get in front of all of it and figure out what makes us work.
I love you for being you, good and not so good,
but always constant and I love you for that.





It has been quite a ride so far,
and I’m looking forward to more of those ups and downs,
tears and laughter’s and sickness and health with you.
I would like to believe that the life we created
is by far the most wonderful times of my life.





I love you so much and I always will… 






even when I’m too old to remember what I’m supposed to love you for...



Friday, September 7, 2012

ROCKY ROAD


Ito ang karamay ko kapag wala akong
pasok at habang naglilinis ng buong bahay.
Yes, mga kapatid, sa panahon ng MP3, MP4
at IPOD – may transistor radio pa!.




Mas gusto kong yumayanig ang buong bahay
Namin sa tunog ng radyo kesa yumayanig ang
Utak at eardrums ko, dahil sa totoo lang feeling ko
lagi na lang may gulo o away sa  paligid kapag
may headset o earphone na nakasalpak sa tenga ko.
  

Love Radio 96.3, the only radio station I tuned-in to.
Light and Easy rock music mostly from the 80’s.


Magaganda ang songs from the 80’s. Yung lapat ng
melody, yung harmony, yung lyrics especially.
Mga original piece at madalang lang ang revival.
Hindi katulad ng mga kanta ngayon na kung hindi
Ni-revive lang, e nag-umpisa at natapos sa –
“baby, baby, oh, baby, baby…”


Kanina may kantang pumailanlang at nasabi kong
Napaka-sarap talaga pakinggan yung mga kantang
Mga 2 o 3 taon mo ng hindi nadidinig. At habang
Ninanamnam ko ang liriko ng kanta, hindi ko
Maiwasan na sabihing:


“Oo nga, naman, para saan nga ba?”


Sa isang buwan, 3 years ko nang kasama ang –
Kaibigan, katawanan, kaiyakan, kabolahan,
tagapag-alaga, kasiyahan at ang taong nagparamdam 
sa akin kung gaano ako ka-espesyal sa napakaraming
dahilan at naisip ko lang hanggang saan kaya
ang aming itatagal? hanggang kailan?


(sa parteng ito binalikan ko ang simula ng blog
na ito, from my Nanay’s transistor radio to the
song of the 80’s to my lovelife – at hindi ko maintindihan
ano ba ang thought ng entry o article ko na ito?


pasensiya na hindi ko din masagot hahahha


naaliw lang siguro ako sa kantang matagal ko
ng hindi napakinggan, sige heto, pakinggan
na lang din ninyo…



Sunday, June 17, 2012

Class Schedule


Pasukan na naman. Kagaya nung nakaraang taon
Hinimay ko ulit na mabuti ang schedule ni Justin.

At kagaya din nung nakaraang taon, hindi ko 
maiwasang mapailing habang nagsasalimbayan
sa utak ko ang mga tanong, puna at komento 
sa aking binabasa.

Heto ang schedule niya everyday.




Walang pinagbago, gaya nung First Year siya 
mapipilitan na naman magbuhat ng SAMPUNG KILONG
timbang ng mga libro at notebook ang mga bata
araw-araw dahil halos lahat ng subject ay
naka-schedule sa buong maghapon



At heto ang pilit kong binibigyan ng katwiran sa isip ko:


7:30 – 8:30 = MAPEH – FIRST SUBJECT???!!!???


Hindi naman sa binabalewala ko ang subject na MAPEH -

Pero eto ha:.

Umaga, papasok ng naka school uniform ang bata,
diretso sa CR o kung may dressing room man (but I bet…)
maghuhubad ng suot, magpapalit ng PE uniform –
t-shirt, jogging pants, rubber shoes.


Ang school uniform na ibinayad mo ng labada, ng
pagpapa-plantsa _ pano na?


Ang bata na pinaliguan mo at pinabango upang sa maghapong
Pag-aaral ay maginhawa  _ after PE activities presko pa ba?


Ang bata na pinakain mo ng breakfast upang alive and alert
Siya sa mga subjects bago ang recess at lunch _ me enthusiasm
pa ba na makinig? (Math pa naman yung subject after PE at
Major subjects in the afternoon)


Tsk… tsk… tsk…


Alam ko bilang isang guro mahirap talaga ang gumawa ng schedule
Pero sana lang maging considerate din tayo at maging sensitibo
Sa kung ano ba yung magiging pabor para sa lahat


At ang akin lang naman – according na din sa DepED – dapat ang
Lahat ng eskwelahan ay PRO-STUDENT.


Yun lang. ‘Til next school year?


Sunday, April 29, 2012

hindi lang ikaw

kung paulit-ulit
kung walang nagbabago
kung kahit konti nakikinig man lang -

minsan yung nagpapayo napapagod din...

hindi dahil sawa ng makinig, pero dahil ayaw mo ng makita 
na nasasaktan siya, na lalo siyang nalulunod sa kalungkutan niya, 
na nakikita mong hindi naman niya kailangan ang payo mo - 

dahil hindi niya nadidinig
sa iyo ang gusto lang niyang madinig...