Ang MAYAYAMAN?
alas-5 ng umaga, babangon upang makipag gitgitan sa trapiko para umabot sa takdang oras na ibinigay sa kausap o di kaya sa maghapong meeting upang pag-usapan o bigyan ng solusyon ang problema sa opisina.
alas-2 ng hapon, pinaka maagang tanghalian kasabay ng pagnguya ay mga tambak ng pinipirmahang papeles
alas-5 ng hapon, may dadaluhan ulit meeting o salo-salo na kailangan ng kanyang presensiya.
alas-9 ng gabi dadating sa bahay ng pagod-na pagod. hahawak pa ulit ng mga dokumento upang pasadahan ang maghapong gawain o ang kakaharapin sa pagising kinabukasan.
at matutulog ng pagod at hapo ang isip upang harapin ulit ang bukas
O
Ang MAHIHIRAP?
alas-10 ng umaga babangon, mag iinat, magbubuklat ng laman ng kusina kakain, uupo, magbabasa ng diyaryo, maninigarilyo, hihilata sa papag.
alas-12 ng tanghali, kakain ng tanghalian, manunuod ng tv habang himas-himas ang tiyan.
alas-3 lalabas ng bahay, magsasabong / mag mamahjong / magto-tongits / magbibingo / makikipag-tsismisan sa kanto
alas -7 ng gabi kakain ng hapunan at maya-maya ay pupuwesto na sa kanto upang makipag-inuman ng walang humpay
alas-2 ng madaling araw dadating sa bahay ng pakanta-kanta, papaswit-paswit
at matutulog ng mahimbing upang harapin ulit ang bukas.
Sino nga ba ang mas MASARAP ang buhay?
Nagtatanong lang naman...
.