(written - December 06, 1995)
Marami akong gusto
Marami akong gusto
Marami akong libangan
Mga simpleng bagay lang
Ngunit nakakapagpaligaya sa akin
Lalo na kung bilog na bilog ang buwan
Nakatitig lang ako ditto
Hanggat ako’y makatulog
O di kaya naman ang paglalakad sadalampasigan
Sa ilalim ng maraming bituin
Habang ang buhok ko’t damit, pati na rin ang hangin
Ay humahampas sa aking katawan
Gusto ko rin kapag buwan na ng Disyembre
Tuwing katanghaliang tapat
Kapag nag-aagaw ang araw at dilim
Na may kasamang malamig na simoy ng hangin
Gayon din sa kabukiran
‘Pag ang palay ay kulay luntian
Nakakatuwang pagmasdan
Ang pagsasayaw nila sa hangin
Gusto ko rin ang pagbibiyahe
Sa malalayo at bulubunduking lugar
At pagkatapos ay pagsasawain ko ang mata ko
Sa kagandahan ng kalikasan
Nalilibang dn ako sa ibabaw ng burol
Tititigan ang mala-bulak
At bughaw na ulap at pagkatapos
Mangangarap na doon ako nakahiga
Gustong-gusto ko din pagkatapos umulan
Ang sarap samyuhin ng hangin
Na dala ng bango
Ng mga bulaklak at dahon
Gayon din ang pagbubukang liwayway
Na animo bola ng apoy sa kalangitan,
Katulad din ng paglubog ng araw
Na akala mo nilalamon ng karagatan
O kaya sa may sapa
Maglulusong at magbabasa
Pagkatapos ay aakyat ng puno
At doon mamamahinga
Minsan masarap din sa bahay
Sa bubong, sa balkonahe, o sa loob ng kwarto
Nakahiga sa sofa o kama at makikipagsabayan
Sa napakalakas na tunog ng radyo
‘Yun ang mga libangan ko
Ang parati kong ginagawa
Ang nakakapagpaligaya sa akin
Ano, sasamahan mo ba ako?