(written - August 11, 1995)
Alam nyo may nagmamahal sa akin. Tapat at hindi nang-iiwan. Naalala ko nga noon a year before my high school graduation nandyan na siya, nagsusumiksik at nagpipilit. Pero ayoko sa kanya… ewan ko, basta ayoko, ganon lang _ AYOKO!... Mayroon akong gusto kaya lang ayaw sa kanya ng nanay ko, pero yun, yun talaga ang gusto ko.
Then after finishing high school pinapili ako ng nanay ko sa kanilang dalawa, siyempre yung gusto ng nanay ko ang pinili ko (nanay yun eh!)… Yung gusto ng puso ko kinalimutan ko na lang – no choice!... Kainis nga e. So, ang nangyari ng mag-college na ako kasama ko siya, sunod ng sunod. But before the end of 1st sem, naibagsak ko ang math subject ko – nakakahiya di ba?... So, sabi ko ‘what an escape goat’, dahil doon iiwanan na nya ako, pero alam mong nangyari? Gumawa pa siya ng paraan para hindi kami magkahiwalay. Kung paano, hindi ko alam!
At nagpatuloy pa din ang drama naming dalawa – ayoko sa kanya, pero nandiyan pa din siya para sa akin. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang paglipas ng panahon _ graduating na pala ako, at as usual, nandyan pa din siya na walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa akin kahit na wala akong pinapakitang interes sa kanya. Nakokonsensya na ko minsan pero sabi ko, siguro darating din yung panahon na bibigyan ko siya ng pansin at mamahalin gaya ng pagmamahal niya sa akin.
At dumatig na nga ang panahon na yon, that was board exam. Panahon na harap-harapan ko na siyang pinagwawalang-bahala. Panahong nakikipagsugal ako at siya ang tinataya ko. Pero talaga yatang ganon nya ako kamahal. Ganon siya ka-desidido na makasama ako habang buhay… kahit hindi ko pa siya lubusang minamahal, gumawa na siya ng paraan para kami na talaga_ for life!... At eto pa, ang gusto lang nya_ gamitin ko siya sa tama at nararapat na paraan _ masaya na siya. Kaya ginamit ko nga siya at ngayon ay natutunan ko na rin siyang mahalin.
Alam nyo ba kung sino siya?
Siya’y walang iba kundi ang pinagmamalaki kong PROPESYON!
.