Saturday, November 10, 2012

UGLY BABY

Lumaki ako na may "UGLY DUCKLING SYNDROME"



Hindi ko lubusang sinisi ang isang tao sa pag-iisip kong iyan,
Ngunit napaka-laki ng nagawa niyang epekto kung bakit ang
Baba ng tingin ko sa sarili ko lalo na sa pisikal na kaanyuan

Sa maraming pagkakataon pinaramdam niya sa akin
na hindi ako kailanman makakapantay sa kanyang kagandahan,
katayuan sa buhay, sa katalinuhan,  at kasikatan.


 > Sa isang School Org. na magkasama kami ngunit parang hindi
    ako nag-eexist dahil hindi naman daw ako sikat bakit ako nanalo.

 > Sa Monito-Monita na napapasimangot siya kasi hindi
    Niya gusto yung natatangap mula sa akin bilang mommy niya.

 > Sa mga school programs na palaging sinasali lang niya ako kasi
    No choice na at pampuno sa linya ng mga sasayaw

 > Graduation day kung saan iisang Parlor ang pinuntahan namin
    At isang makamatay na irap ang pinukol sa akin dahil
    Parehong-pareho ang buhok at make-up na ginawa sa amin


Sobra-sobrang kumpyansa at tiwala sa sarili ang nawala sa kin
Mula pagkabata hanggang sa paglaki ko, hinayaan kong lamunin
ako ng insekyuridad dahil sa mga karanasang iyan at marami pang iba
sa tao na to. Habang tumatanda ako, maraming pagkakataon na may
gusto akong gawin, puntahan at subukang mga bagay ngunit dahil sa
mababang pagtingin ko sa sarili ko, hindi ko sinubukan

Naniniwala ako na bukod sa kinalakihang Kultura at tradisyon,
May iba pang pinangga-galingan ang bawat tao sa kung ano ang
Karakter, prinsipyo at pag-uugali niya sa kasalukuyan.

Nasulat ko to dahil sa tanong ng anak ko isang gabi :

“ Mommy bakit ang hilig mong mag-post ng picture sa facebook, 
ang dami-dami na…”

Kaya’t dahil dito, tinanong ko ang sarili ko -

Saan nga ba ako nanggagaling?

Ang sagot ko – hindi ko gustong magyabang, magmalaki 
o umani ng mga “likes”.

Siguro lang gusto kong maramdaman na nakabangon na ko sa napakatagal
na pagkakakulong sa isang pangit na karanasan. Gusto ko lang sabihin
na bumalik na muli ang tiwala ko sa sarili ko.

Na may natutunan ako sa pangyayaring halos lumamon ng
pagkatao ko – Na  bago ako mahalin at iangat ng iba,
dapat ako muna ang mag-angat at magmahal sa sarili ko.

At ang tao na ito ay nag-iisa lang kumpara sa mga taong
Naniniwala sa aking kakayahan.

Hindi ko man kayang lagpasan ang kanyang kagandahan,
katalinuhan at kasikatan, pero ngayon kaya ko ng makipag-sabayan
at hindi na muling matatakot at hahayaang makulong
muli sa paniniwalang "UGLY DUCKLING AKO”



baket?




Kasi nga, MAGANDA NA AKO! : )