Saturday, June 18, 2011

SAMPUNG KILO


Hindi naman sa pakialamera ako sa
Curriculum ng may Curriculum, pero
Bilang magulang, may karapatan
Akong mag-tanong at mag-urirat
Kung may mga bagay na sa tingin
Ko e parang hindi yata tama.

Gaya na lang nito:

Base sa napakagandang penmanship
Ng anak ko, heto ang schedule nila sa
Araw-araw sa buong lingo.



So, it means, ito ang dapat nilang BUHATIN
Sa umaga pa lang pagpasok, sa maghapon
kada  palit ng room at Sa pag-uwi sa hapon.




Hindi naman sa pang-aano, e kayo kaya
ang pagbuhatin ng halos 10 kilong bigat
kung hindi mabali ang likod ninyo!

Posible naman sigurong gumawa ng
Schedule Na hindi magiging ganito
kabigat,  LITERALLY, Para sa mga estudyante. 
Me paraan, OO. Gaya Nung Grade 5 at
Grade 6 ang anak ko Iniiwan nila ang ibang
libro sa school para Hindi na siya araw-araw
binibitbit ng mga bata.

Pero dahil sa nitong taon na ito, napag-
Alaman Ko na kung may kakilala ka na
Higher year pwedeng Mong bilhin ang used
Book para makatipid, At ngayon Lang nag-
Sink in sa akin, na kaya pala 2 taon na din
bago magtapos ang school year,  Halos 4 sa
12 libro na lang ng anak ko ang naiuuwi
Niya, dahil NAWAWALA na daw sa room!


E di bale sana kung barya-barya lang
ang presyo ng mga libro ngayon!

(click on the picture to enlarge, ng ma-enlarge din ang mga mata ninyo)

At hindi bale sana kung lahat ng libro e
Magagamit ulit sa susunod na taon,
pano kung nagkaroon na ng Revision –

Gaya ng libro na ito na napaka-kapal
At Pinakamahal sa lahat - Php710.00!!!




Taon-Taon ang revision nito, mind you!


OO, alam ko din, hindi naman ako pinilit
Ng eskwelahan na iyon na dun ipasok ang
anak ko. E Nagkataon na iyon ang Alma Mater
ko, nagkataon Walking distance lang siya mula
sa bahay namin at nagkataon Na Pangalawa
yun sa pinaka-magandang High School Sa
bayan ko.,pero hindi katwiran yun Para
kimkimin ko na lang ang bagay na ito.


At Ito naman ay hindi lang sa particular na
Eskwelahan Na iyon, itoy sa halos lahat ng
Private high school sa Pilipinas.

Calling DepED and CHED, I think it’s about
Time you look into this matter.



No comments:

Post a Comment