Pasukan na naman. Kagaya nung nakaraang taon
Hinimay ko ulit na mabuti ang schedule ni Justin.
At kagaya din nung nakaraang taon, hindi ko
maiwasang mapailing habang nagsasalimbayan
sa utak ko ang mga tanong, puna at komento
sa aking binabasa.
Heto ang schedule niya everyday.
Walang pinagbago, gaya
nung First Year siya
timbang ng mga libro at notebook ang mga bata
araw-araw dahil halos lahat ng subject ay
naka-schedule sa buong maghapon
naka-schedule sa buong maghapon
At heto ang pilit kong binibigyan ng katwiran sa isip ko:
7:30 – 8:30 = MAPEH – FIRST SUBJECT???!!!???
Hindi naman sa binabalewala ko ang subject na MAPEH -
Pero eto ha:.
Umaga, papasok ng naka school uniform ang bata,
diretso sa CR o kung may dressing room man (but I bet…)
maghuhubad ng suot, magpapalit ng PE uniform –
t-shirt, jogging pants, rubber shoes.
Ang school uniform na ibinayad mo ng labada, ng
pagpapa-plantsa _ pano na?
Ang bata na pinaliguan mo at pinabango upang sa maghapong
Pag-aaral ay maginhawa _ after PE activities presko pa ba?
Ang bata na pinakain mo ng breakfast upang alive and alert
Siya sa mga subjects bago ang recess at lunch _ me
enthusiasm
pa ba na makinig? (Math pa naman yung subject after PE at
Major subjects in the afternoon)
Tsk… tsk… tsk…
Alam ko bilang isang guro mahirap talaga ang gumawa ng
schedule
Pero sana
lang maging considerate din tayo at maging sensitibo
Sa kung ano ba yung magiging pabor para sa lahat
At ang akin lang naman – according na din sa DepED – dapat
ang
Lahat ng eskwelahan ay PRO-STUDENT.
Yun lang. ‘Til next school year?