Hindi ko lubusang sinisi
ang isang tao sa pag-iisip kong iyan,
Ngunit napaka-laki ng
nagawa niyang epekto kung bakit ang
Baba ng tingin ko sa
sarili ko lalo na sa pisikal na kaanyuan
Sa maraming pagkakataon pinaramdam
niya sa akin
na hindi ako kailanman
makakapantay sa kanyang kagandahan,
katayuan sa buhay, sa katalinuhan, at kasikatan.
> Sa isang School Org. na
magkasama kami ngunit parang hindi
ako nag-eexist dahil
hindi naman daw ako sikat bakit ako nanalo.
> Sa Monito-Monita na
napapasimangot siya kasi hindi
Niya gusto yung natatangap
mula sa akin bilang mommy niya.
> Sa mga school programs na
palaging sinasali lang niya ako kasi
No choice na at pampuno sa
linya ng mga sasayaw
> Graduation day kung saan
iisang Parlor ang pinuntahan namin
At isang makamatay na irap
ang pinukol sa akin dahil
Parehong-pareho ang buhok
at make-up na ginawa sa amin
Sobra-sobrang kumpyansa at
tiwala sa sarili ang nawala sa kin
Mula pagkabata hanggang sa
paglaki ko, hinayaan kong lamunin
ako ng insekyuridad dahil
sa mga karanasang iyan at marami pang iba
sa tao na to. Habang tumatanda ako, maraming pagkakataon
na may
gusto akong gawin, puntahan at
subukang mga bagay ngunit dahil sa
mababang pagtingin ko sa
sarili ko, hindi ko sinubukan
Naniniwala ako na bukod sa
kinalakihang Kultura at tradisyon,
May iba pang
pinangga-galingan ang bawat tao sa kung ano ang
Karakter, prinsipyo at
pag-uugali niya sa kasalukuyan.
Nasulat ko to dahil sa
tanong ng anak ko isang gabi :
“ Mommy bakit ang hilig
mong mag-post ng picture sa facebook,
ang dami-dami na…”
Kaya’t dahil dito, tinanong
ko ang sarili ko -
Saan nga ba ako nanggagaling?
Ang sagot ko – hindi ko
gustong magyabang, magmalaki
o umani ng mga “likes”.
Siguro lang gusto kong
maramdaman na nakabangon na ko sa napakatagal
na pagkakakulong sa isang pangit
na karanasan. Gusto ko lang sabihin
na
bumalik na muli ang tiwala ko sa sarili ko.
Na may natutunan ako sa
pangyayaring halos lumamon ng
pagkatao ko – Na bago ako mahalin at iangat ng iba,
dapat ako muna ang mag-angat at
magmahal sa sarili ko.
At ang tao na ito ay
nag-iisa lang kumpara sa mga taong
Naniniwala sa aking
kakayahan.
Hindi ko man kayang
lagpasan ang kanyang kagandahan,
katalinuhan at kasikatan,
pero ngayon kaya ko ng makipag-sabayan
at hindi na muling matatakot at
hahayaang makulong
muli sa paniniwalang "UGLY
DUCKLING AKO”
baket?
Kasi nga, MAGANDA
NA AKO! : )
No comments:
Post a Comment