Thursday, June 16, 2011

Naman mga Ma'am at Sir!



Dumaan din naman ako sa HighSchool.
Nausuhan din naman ako ng Teacher na
nagpapabalot ng may kulay na art paper sa notebook.




Pero kalabisan naman yata na napaka-specific naman
ng hinihingi sa mga mag-aaral ngayon. Kailangan yung
may tatak pa na Notebook, gaya ng corona daw, Ayaw
daw ng notebook na maliit, at kailangan pa ng filler folder.
at iyan ay hiningi lang para sa isang Subject.



At eto ang pinaka-malupit sa lahat, yung alam mong
yung lumipas na Linggo bago ang pasukan kinumpleto mo
ng ayusin ang gamit ng anak mo, pero heto kagaya kanina
pagod na pagod ka sa maghapong pagtatrabaho para lang
salubungin ka ng anak mo at madaliing magbalot ng notebook, 
na alam mong nabalutan mo na ng maayos, pero hindi, kailangan
daw TWO-TONED pa! 





P#@*^&*@#! naman!


Isa din naman akong Teacher.
Alam ko na hindi maiiwasan na magkaroon
tayo ng mga tinatawag na requirement sa
ating mga estudyante. Pero naman mga ka-Guro ko
sa hirap ng buhay ngayon, Makain nga wala e!
Kung ano-ano pa hinihilingi!


(At hiningi ko na ng Patawad sa Diyos kung hindi ko man
napigilan ang damdamin ko...)
.
.

1 comment:

  1. anu ba yan? pahirap much... ay nako. yung ibang teachers talaga eh akala tumatae ng pera at oras ang mga parents ng mga bata sa private school :/

    ReplyDelete