Sunday, August 28, 2011

My ONLY Wish


Tinatamad kang pumasok sa school?


Sila nga anak hindi makapag-aral kahit gusto nila
kasi lang wala silang pangtustos sa eskwelahan at
kailangan nailang magtrabaho muna upang makakain





Ayaw mo ng ulam na nakahain sa lamesa?


Siya nga anak sa basurahan lang kumukuha ng
makakain maitawid lang ang gutom





Naiinis ka kasi hindi maibili ang gusto mong laruan?


Siya nga anak o, masaya na siyang paglaruan
ang mga bagay na itinapon na ng ibang tao.





Naiinis ka kasi luma na yung kutson mo?


Sila nga anak o, sa kalsada lang natutulog, 
sa matigas na bato, may sapin lang na karton.





Nagdadabog ka kapag nagbebenta ka ng yelo ni Nanay?


Siya nga anak o, nagtatrabaho na, sa labas pa ng bahay,
sa mainit at mabahong bundok ng basura





Nag aaksaya ka ng tubig tuwing naliligo ka.


Kaya mo ba anak ipaligo ang tubig sa kanal o baha
sakaling mawalan tayo ng malinis na tubig?





Ayaw mo isuot minsan ang binibili kong shoes.


Sila nga anak o, nakayapak lang kasi wala silang pambili
kahit tsinelas lang pagpasok sa eskwela.





Ayaw mo ng naglilinis ng bahay?


Sila nga anak o, walang bahay na lilinisin kasi sa kariton 
ang sila nakatira, sa kalsada, walang bubong, walang pader.





Minsan ayaw mo ng pina-pangaralan ka namin.


Gusto mo ba anak, katulad nila wala ng magulang o pamilyang
tumitingin at nag-aalaga?





Ngayong birthday mo, ang wish ko lang ay
ma-appreciate mo ang mga bagay na mayroon ka
at huwag maghanap ng mga bagay na  hindi naman
mahalaga. Matutong mabuhay sa kung ano lang ang kaya
na ibigay ni Mommy at matutunan mong magpasalamat
sa mga taong nag-aalaga at nagmamahal sa iyo gaya
ng iyong pamilya at mga kaibigan.



Happy Birthday Reggae!




1 comment: