Wednesday, May 11, 2011

PANAWAGAN: Sa Matatamis ang Dila noong MAY 10, 2010

Kanina pang 4th session na ng rehab ko - YES!!!
Limang session na lang, sana magkaroon na ng
malaking improvement ang kanang paa ko. Gusto ko
ng maranasan na makalakad ulit ng normal at ayoko ng
unahan sa pila ang mga Senior Citizen - NAKAKAHIYA!

Speaking of Senior Citizen, while waiting for my turn, I was
just listening to their conversation. Sa sobrang tagal na nila
na nagpapa-rehab, magkaka-kilala na sila, 2001 pa yung
narinig ko na pinaka-matagal sa kanila.

Isa sa napag-usapan ay ang kakulangan ng kagamitan, kasi
naman hindi pa kami maisalang kasi wala pang mainit na tubig
na ginagamit pang hot compress. Pumapalya na ang nag-iisang
water heater na gamit ng Center. Isa sa bumabangka ay si
Tatay Leader (yan na lang muna ang itawag natin sa kanya
dahil nakalimutan ko ang pangalan niya). 

Tatay Leader - kasi sa kanya ka magpapalista ng pangalan
pagdating mo sa Center. Isa siya sa pinakamatagal na doon,
at sa kanya nakikinig halos lahat ng matatandang kliyente doon.
At base na din sa kwentuhan nila, si Tatay Leader ay ilang beses
na daw sumulat at humingi ng tulong sa KINAUUKULAN upang
bigyang pansin ang kalagayan, partikular na ang
kakulanagn ng kagamitan sa Center, pero ayun, sa ika-5 beses
na pagsusulat niya, hanggang ngayon, balewala lang ang
"pagmamaka-awa" niya. 

At habang nakikinig sa kanila, pinagmasdan ko ang buong paligid.
Siksikan kami - bata, binatilyo, mga matatanda (mga stoke patient
halos),  sa isang maliit na receiving area. Kulang ng upuan, kulang
sa bentilasyon. Naipon na kami sa labas kasi sa loob hindi makapag
umpisa dahil kulang-kulang ng gamit. 

At habang pinagmamasdan ko ang matatanda na nag-uusap,
naisip ko lang sa simpleng water heater na nagkakahalaga lang ng
P140.00 hindi pa mai-provide ng KINAUUKULAN, paano pa
yung magpagawa ng malaking espasyo para naman maging 
komportable ang ating mga Senior Citizen.

Kaban ng Bayan? Pork Barrel? Nasaan na?

Lahat tayo may magulang na tumatanda, at lahat tayo ay tatanda,
sana lang bigyang pansin ng dapat magbigay ng pansin dito na unahin
ang kapakanan ng mga ganitong klaseng sitwasyon. Huwag sana na
dumating kayo sa kinalalagyan nila dahil hindi maganda sa pakiramdam.

At dahil sa hindi nga siya maganda sa pakiramdam (coz I feel I'm one
of them) - naipangako ko tuloy sa sarili ko na sa susunod na sweldo
bibili ako ng water heater at ido-donate ko sa center.

E ano kung hindi ako Brgy Captain, Konsehal,Mayor, Congressman
o Governor - me P140.00 naman ako! 


1 comment:

  1. ay, masyado ng matagal nakaupo ang mga government officials na hindi na nila nakikita ang lahat. tama yung usong kanta ngayon para sa kanila bakla....

    kayo po na nakaupo, subukan nyo namang tumayo
    at baka matanaw, baka matanaw ninyo
    ang tunay na kalagayan ko...

    sana mabasa to ng kahit na isa man lamang sa kanila =D

    nice post bakla! =D

    ReplyDelete