Magi-isang taon na pala mula ng
binura ako
ng isang dating "kaibigan" sa
facebook account niya
dahil may post ako sa wall ko, nag comment
siya,
humaba ang trail at tila napikon siya.
If my memory serves me right, my post goes
something
like this:
"We have 365 days in a year, isang araw
lang dinaraos
ang prusisyon (Holy Friday),hindi ba pwedeng sa
ibang araw
na lang isuot ang SHORT-SHORTS at SUPER MINI
SKIRT.
May 364 days pa naman.
At ang aso, kailangan ba talagang isunod pa
kung obvious
naman na pang "show-off lang"
Nag-comment siya na:
Hindi naman daw namimili ang panginoon
kung sino at ano ang itsura ng mga sumusunod
sa kanya.
Ang reply ko:
I respect your opinion, it's true. But, my
point is, sa mga
personal nating okasyon sa buhay, birthday, wedding,
anniversary, date, naghahanda tayo ng kasuotan,
nagpapaka-pormal,
bakit hindi sa ESPESYAL na ARAW
at LIBING ng Panginoon?
Isang araw lang, 3-4 na oras na sakripisyo na
huwag munang
isout ang ganoong klaseng damit sa prusisyon
ay
napaka-hirap ba naman na gawin?
Humaba ng humaba ang usapan hanggang may 2 pa
kaming
kaibigan na katulad ng opinyon ko. Ayun, dun na
yata siya
napikon.Days after, nalaman ko, binura na niya
kaming tatlo
sa lists niya.
Napa-isip ako bakit kailangan pa na umabot sa
"magbura"
ang isang tao ng kaibigan dahil lamang sa palitan ng
opinyon:
Naisip ko:
Una : Ang OPINYON ay parang apelyido, hindi
napipilit,
hindi pinahihiram, hindi pinamimigay. Mayroon
tayong
kanya-kanya na dapat igalang ng bawat isa.
Pangalawa: Kung
hindi mo kayang makipag-diskusyon at
mapipikon ka lang din naman sa bandang huli, huwag ka ng
papasok sa isang usapan na hindi mo naman pala kayang labasan.
Siguro may mga tao na talagang sensitibo, at
sorry kung
na-offend kita. Pero kung mapapag-usapan ulit natin ang
katulad na topic, hindi pa din mababago ang opinyon ko,
at igagalang ko pa
din ang opinyon mo.
Hindi ako mapipikon, at hindi aabot na
buburahin kita sa listahan ko.
OO, aminado ako na nanghihinayang ako sa
pagka-kaibigan natin pero mas mahalaga na nalaman ko
hanggat maaga
na me batayan pala ang pakikipag-kaibigan mo-
na kapag hindi umayon sa prinsipyo at opinyon mo ang
isang tao, hindi mo siya papapasukin sa buhay mo.
"What's not to
love about diversity?
We're all different.
If you can't stand uniqueness
then your destiny is
you alone in front of a mirror"
- Anonymous
No comments:
Post a Comment