Sunday, December 19, 2010

Friday, November 19, 2010

HAPPINESS



Sabi nila " happiness is a choice"
Pero sabi din nila " In every rule theres an exemption"

Sa ngayon, masasabi kong hindi ako masaya sa
pangkalahatang aspeto ng buhay ko.

Sa Trabaho -

Dahil wala akong choice na trabahuhin ang isang bagay
kahit wala doon ang interes, puso't isipan ko

Dahil sa doon ako umaasa ng mga pangunahing
pangangailangan sa buhay.

Dahil ito ang katulong ko sa pagtaguyod sa anak ko.


Sa Pagiging Anak

Dahil hindi ko maabot ang mga ekspektasyon
na binuo ng nanay ko sa sarili nya para sa akin.

Dahil lagi kaming magkasalungat ng mga interes,
opinyon at prinsipyo sa buhay

Dahil hindi siya bilib sa dedikasyon ko
at sa mga ginagawa ko sa trabaho.

Dahil hindi niya matanggap na hindi ako masigla 
ng nasa loob lamang ng bahay

Dahil hindi siya kontento na ito pa lamang ang
nararating ng buhay ko

Dahil hindi ko matahak ang tinahak ng buhay niya.


Sa Pagiging Ina

Dahil hindi ko mabigyan ang anak ko ng
normal na buhay ng isang pamilyang buo

Dahil hindi ko siya mabigyan ng sapat na oras.

Dahil hindi ko siya masolong palakihin ayon sa gusto
ko dahil wala pa ako sa posisyon na gawin yun


Sa ngayon tatlong bagay lamang ang
nagpapasaya sa akin:


Ang Anak ko

Dahil kahit alam kong hindi ko siya nabibigyan
ng sapat na oras, mahal pa din nya ko

Dahil alam kong may kasama ako hanggang pagtanda.

Dahil alam kong hindi ako mag-iisa.

Dahil siya ang dahilan bakit kailangan ko pang mabuhay.


Ang buhay pag-ibig

Dahil tinutulungan niya akong kulayan ang maiitim
na bahagi ng buhay ko

Dahil kaya niyang tanggapin ang mga bagay na ako mismo
sa sarili ko ay hindi ko matanggap

Dahil nailalabas ko ang mga saloobin ko ng walang
kasamang paghusga o pagtatwa

Dahil nagagawa niya akong pangitiin at patawanin
kapag nakalugmok ako sa kalungkutan

Dahil pinararamdam niya sa akin ang tinatawag
na pagmamahal.


Ang relasyon ko sa Panginoon

Dahil patuloy niya kong pinatatatag
Dahil hindi niya ko hinuhusgahan
Dahil hindi niya ko binibitawan
Dahil sa pagbibigay ng masiglang pangangatawan

At Dahil sa kabila ng mga nabanggit ko sa itaas patuloy
pa din ang walang humpay na biyaya.

Friday, November 12, 2010

SA TOTOO LANG

Huwag mo sanang pagbintangan
Ang Diyos na iniwanan ka niya
Sa mga oras na kailangan mo siya.

Dahil sa totoo lang_

Ikaw ang bumitaw.
Ikaw ang nang-iwan.

Dahil nagduda ka at nawalan ng tiwala sa kanya.


Saturday, October 23, 2010

MAGKWENTA KA NAMAN

I am raising my son alone
I am paying for his tuition monthly.
I am paying for our electric bill.
I am paying half of our water bill.
I share on our grocery bill
I am paying for the family's laundry.

All that in less than 20k salary a month.

Kaya tantanan nyo na ang kaka-tanong
kung umiinom o nagpapa inject ba ako ng
GLUTATHIONE na yan!

MInsan hindi lahat ng sinasabi ng tao compliment ang dating.
Minsan hindi lahat ng araw okay ang mood ng tao.

At dahil sa mga taong katulad ninyo... 
Minsan naisip ko na sumpa yata ang kulay ko- 


eto lang sasabihin ko:

"maganda nga ang kulay ninyo e- hindi dumihin..."


naka-offend ba ko?

Naman! 

ganon talaga ang kalakaran sa buhay
"what goes around, comes around..."

araw mo kahapon, araw ko naman ngayon!

(hmm, kaya ka siguro hindi pumuti kasi PALAGI na lang araw mo, subukan mo kayang sumilong minsan... )






.



Tuesday, September 28, 2010

ASA!

Huwag ka ng magtaka kung bakit
Walang laman na pagkain ang yong lamesa.


Gigising ka ng alas-diyes ng umaga.
Tatambay sa kanto.
Hihilata maghapon.
Makikipag-tismisan.
Magto-tong-its.
Mag-bibingo.
Maglalasing.


Asa ka pa?!

LEKSYON

“Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao
Ay may dahilan”

Kung tamad ka, hindi nagsusumikap
At puro ka pa reklamo sa buhay _
Wala kang karapatan na gamitin
At gasgasin ang linya na yan.

Kung hindi ka pa magbabago,
Natitiyak ko na magkakaroon na nga ng dahilan _
Magkaka-dahilan na ang Diyos bakit kailangan kang
Masadlak sa ganyang kalagayan.

Upang makita mo ang leksyon ng yong katamaran

TANONG LANG?

Kung babalik ba siya, tatangapin mo pa?

Kung ang sagot mo sa tanong na yan ay OO,
Sige, hahayaan lang kita na lumuha.


Ngunit kung ang sagot mo diyan ay HINDI,
Pakiusap, tigilan mo na ang pag-ngawa mo.


Hindi na siya ang nangloloko sa ‘yo sa mga oras na ito,

Sarili mo na lang ang niloloko mo…

MAYBE

(written – June 28, 1994)

Why do I feel so empty?
When I have everything I want.

Why do I feel I’m alone?
When I am surrounded with friends

Why do I feel so helpless?
When I know I can do it alone.

Maybe because I’m at lost
Or maybe there’s something missing

Maybe it’s someone
Maybe it’s something
Maybe I don’t know

Or maybe that’s what
I have to find out.


Sunday, May 23, 2010

fr.FORMSPRING ME - part3


1. Mam si Sir Clark po ba boyfriend mo?

Yes, siya nga... since alam mo na, siguro dapat mo na din malaman ang isa pa namin sikreto_ ito... 



teka, are we talking of the same Clark?



2. ano ang panyayring nakapagpasaya sayo (most recent)?

Ian while looking at our ring:

" meh pwede kaya na ipalusaw na lang natin tong ring na to tapos ito na lang din yung wedding ring natin"

: )
 


3. missing someone? a friend or classmates?
all my friends I haven't seen in a long time...

someone? - my wicked bear _ haven't seen him for 3 days now...

 
4. Ok, so you are in a hotel by yourself at night. You look out the window and see a guy "enjoying himself" in the room across the way. He has no idea you can see. Would you watch? Or close the blinds?
 
oh definitely I will close the blinds, then...
 
http://www.spotshoppingguide.com/wp-content/uploads/best-binoculars.png
.


5. who is the most talented person you know?

POLITICIANS!!!

 
6. can you say that you're contented with your life now?.. 
a. ahhh... hmmmm.. YES? 
b. not yet c. NO! definitely... 
d. none of the above 
please specify the reason behind your answer... THANK YOU PO.. natanong lang powh.

B. not yet... if I will talk about myself personally, but...

pamilya, kaibigan, mahal sa buhay_ kontento na ako


7. kinalimutan mo na ba talaga ako?

hindi ako sanay lumimot... tinabi lang kita, kasi may nakapwesto na sa gitna... ung karapat dapat...

teka, nasagot ko ba ang tanong mo?


8 . If you could go only to one restaurant for the next five years, which would it be?

Yoshinoya or Teriyakiboy or Tokyo-Tokyo or LINDA's Resto : )
.

Monday, May 17, 2010

LIFE


(written – April 21, 1994)

Life is like a song
Without its lyrics
Life would be lonely

Life is like a bird
Without its wings
Life would be miserable

Life is like a flower
Without its color
Life would be empty

Life is like a house
Without its light
Life would be dark

And life would be useless
If you don’t let anybody in,
If you live alone
In the absence of the LORD
.

Thursday, May 13, 2010

SA KANYA

Hindi ka na magugutom
Hindi ka na mapapagod
Hindi ka na matatakot
Hindi ka na mag-iisa

Matututo kang magpatawad
Matututo kang magbigay
Matututo kang mag let go
Matututo kang tumanggap

Makikilala mo ang sarili mo
Makikilala mo ang kapaligiran mo
Makikilala mo ang mga mahal mo sa buhay
Makikilala mo ang mga tao sa paligid mo


Ilan lamang yan sa mga bagay na natutunan ko
mula ng nakilala ko ang Panginoon.


At patuloy na may natututunan pa

dahil walang sinuman

o anuman

ang makapaghihiwalay sa akin sa kanya...
.

Tuesday, May 11, 2010

right AJ?


Think less
    Expect less
           Act less

It’s
    Hurt less


But it’s
     Heartless


So sad right?
.

Thursday, May 6, 2010

fr.FORMSPRING ME - II

1. Are you serious with your relationship right now?

2. Mam rose hindi ka pala masungit. akala kasi namin dati masungit ka hehehe. at kahit night duty tayo at walang case sulit na din kasi nililibang mo kami at natututo sa mga kwento mo. wala po akong tanong hehehe

salamat : ) ...

next time ghost stories na para may thrill ang duty nyo hahaha


4. Mam Rose may boyfriend po ba kayo? Sino?

meet Shika!

http://www.399animeshop.com/nara-shikamaru-keychain.jpg


5.What song do you want played at your funeral?

My Immortal by Evanescence
I will be here by Steven Chapman

6. How come it's so easy for you to let go?

dahil sa ayaw at sa gusto natin, kailangan matuto tayong tumanggap ng mga bagay na hindi para sa atin...

lalo na sa mga taong nakasakit sa atin, sila nga hindi nangimi na manakit sa damdamin natin, nararapat pa bang algaan at itago sila sa ating mga puso... Letgo na lang di ba...



7. If you had your own talk show, who would your first three guests be?

Paulo Coelho, Sean Penn and Bono

8. What's your biggest regret in life? or who gave you your biggest regret in life?

NONE - hurts, disappointments and frustrations - those things made me strong..

NO ONE - perhaps that's my major weakness - I don't get angry, I don't keep resentments... I don't regret...

Kasi pag hindi ako nag move on, hindi naman yung tao ang papahirapan ko kundi ang sarili ko...



9. have you ever felt fear of falling in love again?

never... God gave me enough wisdom to let go of the things that is not meant for me... besides, heartaches made me stronger... If I let fear reside in me, how can I find that special someone God sent to me...
.

Wednesday, May 5, 2010

ANG BISITA

(written – May 03, 1994)

Isang umaga
Ako ay nagbabasa
Nang aking mapuna
Ako pala’y di nag-iisa

Tinitigan ko na
Upang ako’y iwanan nya
Aba’t di yata natakot
Tila lumapit pa

Pababayaan ko na sana
Ngunit nang-iistorbo siya
Bumubulong-bulong pa
Sa aking tainga

Bigla siyang umalis
Akala ko’y aalis na
Umiba pala ng pwesto
Sa likod ko siya’y nangulit

Maya-maya pa
Ako ay nagulat
Nanghahalik at nangangagat na
Ang bisitang makulit

Ako’y di nakatiis
Binilot ang binabasa
Sabay hampas sa lamok
‘Umpp, patay ka!’
.

Monday, May 3, 2010

LIMERICK I - IV


LIMERICK I
(written – October 22, 1995)

I wrote this poem
For you to know
I will leave for tomorrow
To Rome and Moscow
To see some snow


LIMERICK II
(written – November 06, 1995)

The moon is bright
The wind is light
The sea is quiet
Because tonight
Is a starry-starry night


LIMERICK III
(written – September 2007)

Never stop hoping
Never stop dreaming
One day I will quit from smoking
Or from promising
But for now stop asking


LIMERICK IV
(written – September 23, 2007)

I’m slowly dying
My heart is crying
Please stop messing
With my heart
I’m pleading
.

Saturday, May 1, 2010

LINGGO


Ayaw mong magsimba tuwing linggo,
Dahil ang katwiran mo ay saka ka na
Hihingi ng tawad sa mga kasalanan mo,
Kapag sigurado ka ng hindi mo na uulitin yung mga yon.

Pero hindi ka ba nagtataka?

Sa kabila ng pag amin mo na isa kang makasalanan,
At kakulangan sa pakikipag-relasyon sa Panginoon,
Buhay na buhay ka pa at may kinakain?

Hindi pa ba sapat yun para pumasok ka ng simbahan
kahit saglit man lang para makapagpa-salamat?

Ano ba naman yung isang araw sa isang Linggo?

Ano ba naman yung isang oras sa isang araw?
.

Friday, April 30, 2010

ANG PAG-IBIG NGA NAMAN


(written-September 11, 1994)

Ang pag-ibig nga naman
Pahamak sa buhay
Kagaya kanina, nakita kita
At kasama mo pa siya
(‘di ang girlfriend mo sino pa?!)

Ang pag-ibig nga naman
Pahamak sa buhay
Nung isang araw kumaway ka
At ako ay nataranta
(ayun, tumapon ang hawak kong coke!)

Ang pag-ibig nga naman
Pahamak sa buhay
Nung isang araw  nagkabungguan
At ako’y naalalayan mo
(kilig na sana, lumilis pa ang palda ko!)

Ang pag-ibig nga naman
Pahamak sa buhay
Kahapo’y nakasalubong ka
At tayo’y nagkatitigan
(hindi ko nga lang nakita yung bato, natapilok ako!)

Ang pag-ibig nga naman
Kapag pumasok sa puso ninuman
‘Di bale ng madisgrasya
Mapansin ka lamang
.

Thursday, April 29, 2010

ETERNITY

(written- July 18, 1993)

Jesus loves me,
Yes I know

Jesus is always with me
‘Though he knows sometimes I’m wrong

Jesus is always there
‘Though I don’t seek for his help

Jesus gives me everything
“Though He knows I’m not asking for it

And even though Jesus knows I’m a sinner
He gave his life to me
Just to be with him in eternity
.

ISANG NAGMAMAHAL

 (written - August 11, 1995)


Alam nyo may nagmamahal sa akin. Tapat at hindi nang-iiwan. Naalala ko nga noon a year before my high school graduation nandyan na siya, nagsusumiksik at nagpipilit. Pero ayoko sa kanya… ewan ko, basta ayoko, ganon lang _ AYOKO!... Mayroon akong gusto kaya lang ayaw sa kanya ng nanay ko, pero yun, yun talaga ang gusto ko.

Then after finishing high school pinapili ako ng nanay ko sa kanilang dalawa, siyempre yung gusto ng nanay ko ang pinili ko (nanay yun eh!)… Yung gusto ng puso ko kinalimutan ko na lang – no choice!... Kainis nga e. So, ang nangyari ng mag-college na ako kasama ko siya, sunod ng sunod. But before the end of 1st sem, naibagsak ko ang math subject ko – nakakahiya di ba?... So, sabi ko ‘what an escape goat’, dahil doon iiwanan na nya ako, pero alam mong nangyari? Gumawa pa siya ng paraan para hindi kami magkahiwalay. Kung paano, hindi ko alam!

At nagpatuloy pa din ang drama naming dalawa – ayoko sa kanya, pero nandiyan pa din siya para sa akin. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang paglipas ng panahon _ graduating na pala ako, at as usual, nandyan pa din siya na walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa akin kahit na wala akong pinapakitang interes sa kanya. Nakokonsensya na ko minsan pero sabi ko, siguro darating din yung panahon na bibigyan ko siya ng pansin at mamahalin gaya ng pagmamahal niya sa akin.

At dumatig na nga ang panahon na yon, that was board exam. Panahon na harap-harapan ko na siyang pinagwawalang-bahala. Panahong nakikipagsugal ako at siya ang tinataya ko. Pero talaga yatang ganon nya ako kamahal. Ganon siya ka-desidido na makasama ako habang buhay… kahit hindi ko pa siya lubusang minamahal, gumawa na siya ng paraan para kami na talaga_ for life!... At eto pa, ang gusto lang nya_ gamitin ko siya sa tama at nararapat na paraan _ masaya na siya. Kaya ginamit ko nga siya at ngayon ay natutunan ko na rin siyang mahalin.

Alam nyo ba kung sino siya?

Siya’y walang iba kundi ang pinagmamalaki kong PROPESYON!
.

Wednesday, April 28, 2010

SINO NGA BA?


Ang MAYAYAMAN?

alas-5 ng umaga, babangon upang makipag gitgitan sa trapiko para umabot sa takdang oras na ibinigay sa kausap o di kaya sa maghapong meeting upang pag-usapan o bigyan ng solusyon ang problema sa opisina.

alas-2 ng hapon, pinaka maagang tanghalian kasabay ng pagnguya ay mga tambak ng pinipirmahang papeles

alas-5 ng hapon, may dadaluhan ulit meeting o salo-salo na kailangan ng kanyang presensiya.

alas-9 ng gabi dadating sa bahay ng pagod-na pagod. hahawak pa ulit ng mga dokumento upang pasadahan ang maghapong gawain o ang kakaharapin sa pagising kinabukasan.

at matutulog ng pagod at hapo ang isip upang harapin ulit ang bukas


O

Ang MAHIHIRAP?

alas-10 ng umaga babangon, mag iinat, magbubuklat ng laman ng kusina kakain, uupo, magbabasa ng diyaryo, maninigarilyo, hihilata sa papag.

alas-12 ng tanghali, kakain ng tanghalian, manunuod ng tv habang himas-himas ang tiyan.

alas-3 lalabas ng bahay, magsasabong / mag mamahjong / magto-tongits / magbibingo / makikipag-tsismisan sa kanto

alas -7 ng gabi kakain ng hapunan at maya-maya ay pupuwesto na sa kanto upang makipag-inuman ng walang humpay

alas-2 ng madaling araw dadating sa bahay ng pakanta-kanta, papaswit-paswit

at matutulog ng mahimbing upang harapin ulit ang bukas.



Sino nga ba ang mas MASARAP ang buhay?


Nagtatanong lang naman...

from FORMSPRING ME...

Questions Answered

1. are you in a relationship right now?


2. What's the secret to happiness?

think less, expect less...


3. define human.
hindi kailangang may utak, basta may puso...

4. if be asked to give up one among five of your senses, what would it be and why? 


My eyesight, I guess... most sensitive of all...

5. What's the most delicious meal you've ever had?

Lechon kawali na ang sawsaan ay patis at yung kanin may sabaw ng sinigang! yummmmyyy!!!

6. Are you afraid of dying?

Hindi... lahat tayo doon papunta... nakakatakot lang yung malaman na aalis ako ng wala man lang pala akong maiiwan na magandang alaala sa mga mahal sa buhay o aral sa mga kaibigan...

7. Who inspires you the most?

my life as it is - good and bad experiences, hurts, disappointments, frustrations, wounded heart - lessons learned from these emotions , those are my medals which inspires me to go on in life

8. given one day of power, how and where are you going to use it?

I would like to have the power to dissolve all garbage's in the world... seriously!

9. how would rose roque define freedom?

the ability to choose - and commit myself to - what is best for me.

10. Cats or Dogs?

cats
.
.

Tuesday, April 27, 2010

WALANG MAGAWA

(written-May 3,1994)

 Isang hapon
Kainitan ng araw
Nakaupo sa kawayan
Nakatanaw sa kawalan

Naroong umupo’t
Tumayo sa upuan
Hindi mapakali
Na parang kiti-kiti

Nang biglang pumitik
At bumulong sa hangin
‘ Alam ko na’ nakangiting
Sabi sa sarili

Pumasok sa loob
Kumuha ng unan
Humiga’t natulog
Sa upuang kawayan
.

Monday, April 26, 2010

AMEN

(written May 02, 1994)
 
 
Just like a big brother
Exactly you are. You
Save us from our sins, just for
Us to be with you in eternity
So as to trust your Heavenly Father

Come to me O
Holy Lord. Teach me to love you, to
Reach you, to follow you
In everlasting life. Let me
Seek the Kingdom of GOD and
Trust you with all my heart



O heavenly Father, all of
Us are sinners, we are not
Really worthy to receive you.

Father, your promises
Are our only strength
Teach us to become strong in every
Hardships and trials that we are about to face. In
Everything we do, teach us to seek your Kingdom and
Righteousness, so for us to lead your path.
.