Sabi nila " happiness is a choice"
Pero sabi din nila " In every rule theres an exemption"
Sa ngayon, masasabi kong hindi ako masaya sa
pangkalahatang aspeto ng buhay ko.
Sa Trabaho -
Dahil wala akong choice na trabahuhin ang isang bagay
kahit wala doon ang interes, puso't isipan ko
Dahil sa doon ako umaasa ng mga pangunahing
pangangailangan sa buhay.
Dahil ito ang katulong ko sa pagtaguyod sa anak ko.
Sa Pagiging Anak
Dahil hindi ko maabot ang mga ekspektasyon
na binuo ng nanay ko sa sarili nya para sa akin.
Dahil lagi kaming magkasalungat ng mga interes,
opinyon at prinsipyo sa buhay
Dahil hindi siya bilib sa dedikasyon ko
at sa mga ginagawa ko sa trabaho.
Dahil hindi niya matanggap na hindi ako masigla
ng nasa loob lamang ng bahay
Dahil hindi siya kontento na ito pa lamang ang
nararating ng buhay ko
Dahil hindi ko matahak ang tinahak ng buhay niya.
Sa Pagiging Ina
Dahil hindi ko mabigyan ang anak ko ng
normal na buhay ng isang pamilyang buo
Dahil hindi ko siya mabigyan ng sapat na oras.
Dahil hindi ko siya masolong palakihin ayon sa gusto
ko dahil wala pa ako sa posisyon na gawin yun
Sa ngayon tatlong bagay lamang ang
nagpapasaya sa akin:
Ang Anak ko
Dahil kahit alam kong hindi ko siya nabibigyan
ng sapat na oras, mahal pa din nya ko
Dahil alam kong may kasama ako hanggang pagtanda.
Dahil alam kong hindi ako mag-iisa.
Dahil siya ang dahilan bakit kailangan ko pang mabuhay.
Ang buhay pag-ibig
Dahil tinutulungan niya akong kulayan ang maiitim
na bahagi ng buhay ko
Dahil kaya niyang tanggapin ang mga bagay na ako mismo
sa sarili ko ay hindi ko matanggap
Dahil nailalabas ko ang mga saloobin ko ng walang
kasamang paghusga o pagtatwa
Dahil nagagawa niya akong pangitiin at patawanin
kapag nakalugmok ako sa kalungkutan
Dahil pinararamdam niya sa akin ang tinatawag
na pagmamahal.
Ang relasyon ko sa Panginoon
Dahil patuloy niya kong pinatatatag
Dahil hindi niya ko hinuhusgahan
Dahil hindi niya ko binibitawan
Dahil sa pagbibigay ng masiglang pangangatawan
At Dahil sa kabila ng mga nabanggit ko sa itaas patuloy
pa din ang walang humpay na biyaya.
No comments:
Post a Comment