Friday, January 29, 2016

IN PAIN

Sabi nila : 

Mangarap ka.



A good provider and a loving companion.

Two equally gorgeous son.


Two titles after my name and another one coming. 


Personally taking care of a teenager and a toddler
in the most crucial stage of their lives,
then redeem my career soon after those
two brats have grown up a little bit.


Owning and messing the kitchen 
with nobody watching.


Budgeting. Groceries. 5 meals a day.


Able to buy the needed things.


A house to be build that is waiting 
for a final decision.




Ito LANG yung mga pangarap ko DATI.



Kaya't hindi ko maintindihan ang lohika na iwanan
ang lahat ng ito upang doon sa pupuntahan ko 
ay MULI kong pangarapin ang mga bagay na 
HETO ngayon at HAWAK KO NAMAN NA.



Ano pa nga ba ang dapat kong pangarapin?


Yung pangarap ng iba para sa akin?




Tuesday, February 18, 2014

OBSESSIVE - COMPULSIVE ME

(written June 13, 2010 via FB Notes)


Somebody asked me from FORMSPRING ME
kung ano ang pinaka-OC-OC na bagay ang ginawa ko.

madami... pero one was when I took a picture of all 
my shoes and pasted it outside the box

Si Nanay kasi, when she's looking for her shoes at nagmamadali,
hila lang siya ng hila kaya ayun nasisira yung mga box.
I did it for the purpose na para sa labas pa lang ng box
makikita na nya agad yung laman sa loob.


Pero siyempre matanda na, mahirap ng turuan (oopppsss)
Kaya ayan, 3 boxes with pictures na lang ang natira : 



Pero ang pinaka classic na ka- OC-OC- an ko was
when I went to work ng hindi ako komportable sa naisuot
kong sapatos nuong umalis ako ng bahay. Feeling ko
hindi siya bagay sa suot kong damit that day, and it was
noong nasa jeep na ako when I remembber mayroon pala
akong shoes na mas babagay sa suot ko. So, what I did
para hindi na ko makalimot sa susunod -


Eto, dinikit ko sa shoe cabinet namin :




Terribleng ka OC - OC - an noh?!!! : )



Tuesday, January 14, 2014

KAING KARGADOR


I love to eat. I sooo love to eat!

I am so lucky to have a slim body despite of my “KARGADOR APPETITE”
And because of that I thought of sharing with you the -

“Ang 7 na PINAKAMASARAP NA KAINAN SA MALOLOS”

(well, at least for me).

I visit and dine to these kainan’s because of their different 
specialties that I’m sure you will love too.

Let’s start from my least visited to my most favorite:


7. BAHAY NA TISA - Roast Beef and Lengua


Located along Paseo De Roxas, Brgy Catmon near Barasoain Church.
Dito yung “mahal pero sulit ang pera” and if you happen to have a 
“sosyal and maselang” bisita. I recommend you this place


6. MABUHAY PANSITERIA – Pansit Guisado


Pansiteria built around 1970’s. where families dine here usually after 
mass. Located at Poblacion ng Malolos at the back of the Cathedral.
I recommend you go there lunch time kasi they serve beer and
liquors from late afternoon until closing time. Prices are affordable.


5. CITANG’S – Kalamay, Suman, Puto, Tamales



This place also serves LTB and Pansit but Citang is 
known for their Kalamay and Suman - Bila-Bilao!
Kung pang-regalo o panghanda ang hanap mo, dito 
ka na bumili. Sulit na, hindi ka pa mapapahiya.
Citang is located in Barangay Sta Isabel.


4. LUGAWAN NI ABEL – Lugaw, Tokwa, Baboy


Lugaw and Goto here in Abel has a distinct taste
that makes me go back and crave for more.
I’m just not so sure but this place was built for
as long as I can remember. Abel is located
in Barangay Santisima Trinidad


3. KABISERA  RESTO – Pancit Canton and Kabisera Chicken


If you are a pancit canton lover – here is the place for you.
I remember when I was a kid, nahihilo ako kapag kumakain
Ako nito (for some unknown reason, I blamed it on the quality
Of noodles hahaha), but when I tasted Kabisera’s I keep
Coming back whenever I crave for Canton. One of
their specialties too is the Kabisera Chicken na tamang
tamang partner ng Pancit. Because it's built like an old-time 
house the place has pleasant soothing ambience.
Prices are affordable and good venue for small parties


2. KAPUSO – Tapsilog, Longsilog, Liemposilog




Located along Mc Arthur Hi way, Kapuso is open
24 hours and is actually offering the same variety
as to other Tapsilogan but it’s their SINANGAG
I am puzzled to as to how they cook and what secret
ingredient they put on it. Definitely not for “sosyal and
maarteng” bisita. Kapuso is the place where
“NAGPAPA-GISAW” na mga nag-inuman goes to at night.
Prices are very, very affordable. And to add some more,
Nakaka 3 cup ng sinangag si Justin dito. Ako? 2 cups!!! : )


and my most visited place is... <drum roll>


1. PARK N’ DINE – SISIG!!! Pinakbet w/Bagnet, Chicken Pandan
                    Chicharong Bulaklak, Crispy Binagoongan
 Tapsilog, Kilawing Tanigue


   

 

If you like your Pork SISIG crunchy, without mayonnaise and
raw egg on top of it – ay dito ka na! I am a suki for 6 years now.
(and most of my friends). I visit and Dine here twice or thrice 
a month because of its sumptuous food and  affordable prices. 
The place is very simple yet ito yung matatawag na “kain bahay”.
Comfortable and accessible. I also bring balikbayan friends and 
family here kasi hindi ka talaga mapapahiya sa lasa ng pagkain nila. 
Although it doesn’t live up to its name - PARK N’ DINE – 
(parking space can accommodate only 2 cars)
I and my friends have this personal joke – O saan tayo kakain
Sa DINE N' DINE? : ) but regardless, this place is highly recommended.




So that’s all folks! If you happen to know a Restaurant or a place to eat
in Malolos, City that I did not mention here, please, please share it.

Don't wanna miss half of my life : )

Wednesday, February 6, 2013

SIX -PACK ABS my A**

ang tanong ko ay para sa lahat ng mga 
"TUNAY NA LALAKE"  (or nagke-claim for that matter ) 
na galit na galit sa mga BAKLA:


makakabawas ba sa "PAGKA-LALAKE" mo
kung magiging mabait ka sa kanila?


hindi ka ba matatawag na TAO 
kung tatangapin mo sila?




malulusaw ba ang SIX PACK ABS mo
kung ita-trato mo sila ng patas?


may karanasan ka bang hindi maganda sa 
mga BAKLA, para pandirihan at itrato mo sila
ng hindi tama? kaya imbes na sana ipagdasal mo
na lang at patawarin, binabalik mo sa kanila
ang kasamaang ginawa niya sa yo kung meron man.

so, ano pang pinag-kaiba mo sa KANILA?


o baka naman NAIIN-SECURE ka lang 
sa mga BAKLA na MATATAPANG
dahil sila ay open na at ikaw ay
DUWAG at TAKOT pang LUMABAS?


HINDI naman ganon?


 so STRAIGHT KA TALAGA? 



o, e, sa tingin mo ba porket STRAIGHT ka, 
ikaw lang ang anak ng diyos? na ikaw lang 
ang may karapatang MABUHAY NG NORMAL?


kung nakalagay man sa BIBLIA o kung saang libro
na KASALANAN ang pagiging BAKLA
sa tingin mo ba sa pagiging 
PALALO at MAPANG-HUSGA mo sa
"MAKASALANANG BAKLA" na sinasabi mo
ay makakarating ka na sa langit?


hindi nga ba kaya tayo binigyan ng Diyos ng
busilak na puso at MATAAS NA ANTAS NG PAG-IISIP
ay para matuto tayong RUMESPETO sa KAPWA-TAO
natin at huwag mag-asal HAYOP.


alam mo ba yon? 


hindi?


eh, walang duda kung bakit ganyan ang 
ugali mo!


Monday, January 21, 2013

goodluck


just when I decided I am ready -


wish me luck next time....





Saturday, November 10, 2012

UGLY BABY

Lumaki ako na may "UGLY DUCKLING SYNDROME"



Hindi ko lubusang sinisi ang isang tao sa pag-iisip kong iyan,
Ngunit napaka-laki ng nagawa niyang epekto kung bakit ang
Baba ng tingin ko sa sarili ko lalo na sa pisikal na kaanyuan

Sa maraming pagkakataon pinaramdam niya sa akin
na hindi ako kailanman makakapantay sa kanyang kagandahan,
katayuan sa buhay, sa katalinuhan,  at kasikatan.


 > Sa isang School Org. na magkasama kami ngunit parang hindi
    ako nag-eexist dahil hindi naman daw ako sikat bakit ako nanalo.

 > Sa Monito-Monita na napapasimangot siya kasi hindi
    Niya gusto yung natatangap mula sa akin bilang mommy niya.

 > Sa mga school programs na palaging sinasali lang niya ako kasi
    No choice na at pampuno sa linya ng mga sasayaw

 > Graduation day kung saan iisang Parlor ang pinuntahan namin
    At isang makamatay na irap ang pinukol sa akin dahil
    Parehong-pareho ang buhok at make-up na ginawa sa amin


Sobra-sobrang kumpyansa at tiwala sa sarili ang nawala sa kin
Mula pagkabata hanggang sa paglaki ko, hinayaan kong lamunin
ako ng insekyuridad dahil sa mga karanasang iyan at marami pang iba
sa tao na to. Habang tumatanda ako, maraming pagkakataon na may
gusto akong gawin, puntahan at subukang mga bagay ngunit dahil sa
mababang pagtingin ko sa sarili ko, hindi ko sinubukan

Naniniwala ako na bukod sa kinalakihang Kultura at tradisyon,
May iba pang pinangga-galingan ang bawat tao sa kung ano ang
Karakter, prinsipyo at pag-uugali niya sa kasalukuyan.

Nasulat ko to dahil sa tanong ng anak ko isang gabi :

“ Mommy bakit ang hilig mong mag-post ng picture sa facebook, 
ang dami-dami na…”

Kaya’t dahil dito, tinanong ko ang sarili ko -

Saan nga ba ako nanggagaling?

Ang sagot ko – hindi ko gustong magyabang, magmalaki 
o umani ng mga “likes”.

Siguro lang gusto kong maramdaman na nakabangon na ko sa napakatagal
na pagkakakulong sa isang pangit na karanasan. Gusto ko lang sabihin
na bumalik na muli ang tiwala ko sa sarili ko.

Na may natutunan ako sa pangyayaring halos lumamon ng
pagkatao ko – Na  bago ako mahalin at iangat ng iba,
dapat ako muna ang mag-angat at magmahal sa sarili ko.

At ang tao na ito ay nag-iisa lang kumpara sa mga taong
Naniniwala sa aking kakayahan.

Hindi ko man kayang lagpasan ang kanyang kagandahan,
katalinuhan at kasikatan, pero ngayon kaya ko ng makipag-sabayan
at hindi na muling matatakot at hahayaang makulong
muli sa paniniwalang "UGLY DUCKLING AKO”



baket?




Kasi nga, MAGANDA NA AKO! : )




Monday, November 5, 2012

OCTOBERFEST


The last three years with you has not been easy.
Too often, you and I get so caught up in the little
everyday moments of life though, but we've managed
to get in front of all of it and figure out what makes us work.
I love you for being you, good and not so good,
but always constant and I love you for that.





It has been quite a ride so far,
and I’m looking forward to more of those ups and downs,
tears and laughter’s and sickness and health with you.
I would like to believe that the life we created
is by far the most wonderful times of my life.





I love you so much and I always will… 






even when I’m too old to remember what I’m supposed to love you for...