Wednesday, April 20, 2011

Bukas Holy Friday, PRUSISYON na naman...


Magi-isang taon na pala mula ng binura ako
ng isang dating "kaibigan" sa facebook account niya
dahil may post ako sa wall ko, nag comment siya,
humaba ang trail at tila napikon siya.

If my memory serves me right, my post goes something
like this:

"We have 365 days in a year, isang araw lang dinaraos
ang prusisyon (Holy Friday),hindi ba pwedeng sa ibang araw 
na lang isuot ang SHORT-SHORTS at SUPER MINI SKIRT.
May 364 days pa naman.

At ang aso, kailangan ba talagang isunod pa kung obvious
naman na pang "show-off lang"

Nag-comment siya na:

Hindi naman daw namimili ang panginoon
kung sino at ano ang itsura ng mga sumusunod sa kanya.

Ang reply ko:

I respect your opinion, it's true. But, my point is, sa mga
personal nating okasyon sa buhay, birthday, wedding,
anniversary, date, naghahanda tayo ng kasuotan,
nagpapaka-pormal, bakit hindi sa ESPESYAL na ARAW
at LIBING ng Panginoon?

Isang araw lang, 3-4 na oras na sakripisyo na huwag munang
isout ang ganoong klaseng damit sa prusisyon ay
napaka-hirap ba naman na gawin?

Humaba ng humaba ang usapan hanggang may 2 pa kaming 
kaibigan na katulad ng opinyon ko. Ayun, dun na yata siya
napikon.Days after, nalaman ko, binura na niya kaming tatlo
sa lists niya.

Napa-isip ako bakit kailangan pa na umabot sa "magbura"
ang isang tao ng kaibigan dahil lamang sa palitan ng opinyon:

Naisip ko: 

Una : Ang OPINYON ay parang apelyido, hindi napipilit,
hindi pinahihiram, hindi pinamimigay. Mayroon tayong
kanya-kanya na dapat igalang ng bawat isa.

Pangalawa: Kung hindi mo kayang makipag-diskusyon at
mapipikon ka lang din naman sa bandang huli, huwag ka ng
papasok sa isang usapan na hindi mo naman pala kayang labasan.

Siguro may mga tao na talagang sensitibo, at sorry kung
na-offend kita. Pero kung mapapag-usapan ulit natin ang
katulad na topic, hindi pa din mababago ang opinyon ko,
at igagalang ko pa din ang opinyon mo.

Hindi ako mapipikon, at hindi aabot na buburahin kita sa listahan ko.

OO, aminado ako na nanghihinayang ako sa
pagka-kaibigan natin pero mas mahalaga na nalaman ko
hanggat maaga na me batayan pala ang pakikipag-kaibigan mo-

na kapag hindi umayon sa prinsipyo at opinyon mo ang
isang tao, hindi mo siya papapasukin sa buhay mo.


"What's not to love about diversity? 
We're all different. If you can't stand uniqueness 
then your destiny is you alone in front of a mirror"

- Anonymous


Tuesday, April 19, 2011

KWENTONG PAA AT SAPATOS

I, unfortunately, currently suffering from FOOT PAIN.
Magpapa Check-up pa lang ako so, I made some research
at ang pinaka malapit sa katotohanan ay -

PLANTAR FASCIITIS
commonly causes stabbing pain that usually occurs with your 
very first steps in the morning. Once your foot limbers up, 
the pain of plantar fasciitis normally decreases, 
but it may return after long periods of standing 
or after getting up from a seated position.

One risk factor? 

Flat thin-soled shoes, as well as shoes without enough 
arch support or flexible padding to absorb shock.


Since the time my "third-eye" was opened to the beauty of 
shoeeeeseeezes, isa lang naman ang style na palagian kong 
binibili - FLAT SHOES AND FLAT SANDALS!


I have all types of shoes' -




These are my MALL sandals.

Sila yung parati kong suot whenever I go
to the mall. Ang sabi ko kasi- flat and open,
so, komportable sa paa kahit mag-iikot maghapon.



These are the shoes that I wear at work.

All flats, mostly doll shoes to hide the length of
my foot hehe... and mostly black kasi safe color yun di ba



I'm not a sporty person pero sabi nila you should also have
at least a pair of rubber shoes in your cabinet.




These are the shoes that I seldom wear.

Maybe because of sentimental reasons. They're
with me for ten (10) years now. Or happy lang ako 
every time I look at them that despite of the
old age and mileage, buo pa din sila.


But now, I am forbidden to wear all those 
FLAT shoes and sandals because it's really 
not advisable to wear it all the time. 
At dahil sila ang salarin kung bakit I am
suffering from foot pain. Terrible Pain mind you!


Heaven sent, a friend of mine advised me to buy this 
sandals that has medical benefits especially in my case.


So, I bought one:



The benefits are:

- help increase leg and bottom muscle activity (up to 30%). 
(so you feel less ache in your hips and knees)
- absorb more shock than a normal shoe (up to 22%)
- help realign ground force reaction closer to your joints
- reduce foot pressure and pain from heel spurs and Plantar Fasciitis

Impressive huh!

Now I'm planning to buy another pair because
the product is really effective. Four (4) days
ko pa lang siya ginagamit and it really works.

This is the one I'm planning to buy.
The strap is kinda formal that I can use sa work


But the price of their product is "amazing" too!
But then again, it's worth it.

How much each?

Kapag siguro naibenta ko na ang kalahati
nito, makakabili na ko ng ISA!



PM me if your interested: Size 8 1/2 -9

LOL!

Sunday, April 3, 2011

Ang Kwentong Rated GP

Rated GP.

"Garantisadong Pambata - Ligtas Tigdas ang Pinas"

Abril 4, 2011 - umpisa ngayon ng programa ng DOH
na magbahay-bahay sa komunidad upang magbigay
ng libreng bakuna sa tigdas.


Noong unang panahon pa lamang, ang bakuna sa tigdas
at iba pang mga bakuna sa mga Health Center
ay talaga namang libre lang na ibinibigay sa komunidad.
Ang programang ito ay upang matulungan ang
mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na hindi
kayang tustusan ang pangangailangan nila sa kalusugan.

Pero alam nyo ba ang kwento kung bakit kailangan pang
MAGBAHAY-BAHAY? Eto yun:

Ang Nars, napadaan sa bahay ni Aling Aida:

Nars: 
Aling Aida, bukas me libreng bakuna po sa tigdas. Dalhin
nyo po si Nene at si Toto sa Health Center. Para po ito
sa kanilang kalusugan

Aling Aida:
Ay, kagaling naman pala ano.

Nars:
Opo, Ang gamot po ay libre, magdala lamang po kayo ng limang (5)
piso, tulong para pantustos sa gagamiting herengilya, bulak at alcohol.

Aling Aida:
Ah ganon ba, sige.

Kinabukasan ng hapon: 

Nars, napadaan ulit sa bahay ni Aling Aida

Nars 
Nene, Toto bakit hindi kayo nagpunta sa Health Center
kanina.Sayang naman, para yon sa kalusugan ninyo.

Nene
E wala daw po kasing pera si Nanay.

Nars
Naku ganon ba, e nasaan ba siya?

Nene
Ayun po (sabay turo)

Aling Aida
Sa "B" katorse, opss, oppss wala munang bi-bingo, paubos na puhunan ko

Talaga namang nakaka- "TUWA" ang mga Pilipino di ba?!!

Kaya binabati ko ang DOH sa walang humpay na suporta
at pagtitiyaga sa ating mga Pilipino.

Mabuhay kayo

Saturday, April 2, 2011

PLASTIK


Hindi natin kailangan maging magkaibigan para magkasundo.

At hindi natin kailangan mag-away upang iparamdam
na wala tayong pakialam sa isat-isa.

Nag-uusap tayo dahil kailangan nating mag-usap
Nagkakasama tayo dahil kailangan natin magsama
Pero hindi dahil sa nagpa-plastikan tayong dalawa.

Hindi ako naniniwala sa salitang "plastik"

Propesyonal at Sibil - OO.

Alam mo ba kung bakit sadyang napaka-hiwaga ng mundo?

Kasi kahit ang anong hidwaan, o pader na namamagitan sa 
dalawang tao, me pinagkakasunduan pa din sila -

Hindi mo siya gusto, hindi ka niya gusto.

Malinaw  di ba?

Now, lets get back to work.