"Garantisadong Pambata - Ligtas Tigdas ang Pinas"
Abril 4, 2011 - umpisa ngayon ng programa ng DOH
na magbahay-bahay sa komunidad upang magbigay
ng libreng bakuna sa tigdas.
Noong unang panahon pa lamang, ang bakuna sa tigdas
at iba pang mga bakuna sa mga Health Center
ay talaga namang libre lang na ibinibigay sa komunidad.
Ang programang ito ay upang matulungan ang
mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na hindi
kayang tustusan ang pangangailangan nila sa kalusugan.
Pero alam nyo ba ang kwento kung bakit kailangan pang
MAGBAHAY-BAHAY? Eto yun:
Ang Nars, napadaan sa bahay ni Aling Aida:
Nars:
Aling Aida, bukas me libreng bakuna po sa tigdas. Dalhin
nyo po si Nene at si Toto sa Health Center. Para po ito
sa kanilang kalusugan
Aling Aida:
Ay, kagaling naman pala ano.
Nars:
Opo, Ang gamot po ay libre, magdala lamang po kayo ng limang (5)
piso, tulong para pantustos sa gagamiting herengilya, bulak at alcohol.
Aling Aida:
Ah ganon ba, sige.
Kinabukasan ng hapon:
Nars, napadaan ulit sa bahay ni Aling Aida
Nars
Nene, Toto bakit hindi kayo nagpunta sa Health Center
kanina.Sayang naman, para yon sa kalusugan ninyo.
Nene
E wala daw po kasing pera si Nanay.
Nars
Naku ganon ba, e nasaan ba siya?
Nene
Ayun po (sabay turo)
Aling Aida
Sa "B" katorse, opss, oppss wala munang bi-bingo, paubos na puhunan ko
Talaga namang nakaka- "TUWA" ang mga Pilipino di ba?!!
Kaya binabati ko ang DOH sa walang humpay na suporta
at pagtitiyaga sa ating mga Pilipino.
Mabuhay kayo
No comments:
Post a Comment