Tuesday - September 27, 2011
5am - May kuryente pa, sabi sa news may
bagyo, walang pasok ang BSU. I cooked
breakfast.I cleaned the house.
7am - I was helping my mother packed her things
for her boracay trip with her sister it was raining hard.
Sa sulok where our ref is at, may kumakatas ng tubig.
She then asked my brother na iurong na sa living room
ito para mapunasan.
7:30am – Sobrang bilis ang pasok ng tubig .
Mayroon na din sa Dining area, sa room ng kuya ko
at sa isang rom that serves as our walk-in cabinet
9am – hanggang gitnang binti na ang tubig baha.
We decided itaas na ang ref at sala set sa table na mataas.
Ang lagayan ng bigas, ang mga damit na nasa ibabang
bahagi ng cabinet na maaring mabasa.
sa mga patungan ang mga mababasa sa 1st floor. At last,
nagluluto na si Nanay, makaka-pag-lunch na din kami.
2:30 - 6pm – Tumigil na ang pagtaas ng tubig baha.
We had our early dinner dahil wala ng kuryente.
Nag-ipon na din kami ng malinis na tubig just in case.
7:00pm – Went to bed. Hoping bukas wala ng baha
Wednesday - September 28, 2011
3:00am – Woke up, malakas hangin, malakas ulan,
di ako makatulog, I checked downstairs tumaas pa ang tubig
3 inches below the knee na.
4am-8am – itinaas pa ulit naming sa mas mataas na patungan
ang mga gamit not on the 2nd floor of our house, kasi denial pa
kami na hindi na tataas pa ang baha. Except for the computer
and some clothes na nasa mataas na cabinet.
9am - 6:00pm – lakad lang sa bahay checking our things.
Cooked lunch. Cooked dinner.
7:00pm – Went to bed. Hoping bukas wala ng baha.
Thursday – September 29, 2011
5:00am – I woke up. Check yung baha. Bumababa na sa gitna
ng binti. May pasok na daw kami, buti na lang sa Perez Hospital
lang ako, block away from our house, duty with students sa DR .
11am – Tumawag ang Clinical Coordinator ko, pinauuwi na kami
dahil tumataas daw ang tubig sa Calumpit. Pag-uwi ko ng bahay
nakalinis na sila nanay. Wala ng tubig sa buong bahay. Nagbihis
lang ako. Kumain then help them clean the house. Pero hindi
muna kami nagbaba ng gamit dahil sa bali-balitang may dadating
na naman daw tubig baha galling Calumpit
3:00pm – Natapos kaming maglinis
3:30pm – In a matter of 30mins, eto na naman ang tubig baha,
this time ito na yung galing Calumpit at ng mga ilog.
5:00pm - Binti na ulit ang tubig. Bali-balita mas tataas pa ang tubig ,
so again panibagong pagtataas ulit ng gamit sa mas mataas pa ulit
na mga patungan.
7:00pm – Went to bed. Hoping bukas wala ng baha.
3 days ng walang kuryente
Friday – September 30, 2011
2:30am - Woke-up. Check yung baha. Itaas na ng tuhod.
Hindi ko alam kung paano gigisingin si nanay ko. Magpapanick yun.
Kaya lang I have to. Yung isang kabang bigas at ref namin na nakataas
aa lamesa aabutin na, yung dining table lubog na, dinahan-dahan ko na
lang ng gising, pagbaba niya, napanganga na lang siya. Then pag-open
sa harap ng bahay, tumba na ang cabinet na gamit namin sa dating botica.
3:00am – Gising na kami lahat. Again, this time tinaas na namin
sa 2nd floor yung bigas, yung ref. at halos lahat ng gamit sa ibaba
pwera lang yung cabinet na matanda pa sa kin at hindi namin
mabubuhat. Gumawa na din kami ng lutuan sa gilid ng hagdan.
Kami na lang ang may tubig sa gripo sa buong baranggay (tnx GOD!)
May mahabang-mahabang hose ang nanay, mula likod bahay, hanggang
hagdan sa living room abot, kinabit namin na nagsilbing kitchen.
At ang tubig baha, patuloy pa ding tumataas.
2:30pm – 12hrs na akong gising. 12 hrs na ding babad sa tubig at
ang tubig baha pataas na ng bewang.
4:00pm – Mabagal na ang taas ng tubig. Sa kalsada maraming
naglalakad. Ang mga tao panic buying na. may nananamantala
ng presyo ng bilihin. May nagpapacharge ng cellphone ng libre.
May mga Bangka . Mga truck na naghahatid ng mga tao paroot
Parito sa Hagonoy – Malolos. Ang mga grocery halos ubos na
ang laman. Wala ng mabilan ng Mineral water
5:30pm – Early dinner. Walang magagawa. Walang kuryente.
Madami pa din kaming stock na food. Bigas, canned goods, potable water,
malaking galawan sa taas, kandila, de gaas na lampara at tubig sa gripo.
Sobrang swerte pa din kami. At ang tubig baha, tumaas na ng bewang
6:00pm – Went to bed early. Hoping bukas wala ng baha.
At last nakahiga na din.
Saturday – October 1, 2011
4:30am – Woke up. Check ang baha. This time above waist na.
Lahat ng mga antigong cabinet tumaob na, itinali na lang namin para
hindi lulutang lutang sa bahay.
7:00am – Tumataas pa din, we then decided galing sa hagdan ipanik
na din ang lutuan sa itaas. Ang kalan, ang gasul, ang utensils.
2:30pm – Lumipas ang maghapon sa panood ng mga tao sa kalsada,
mga banka, mga rubber boat, mga truck, mga helicopter na paiko-ikot,
mga bali-balita at usapan nga mga taong nadadaan sa harap ng bahay.
Ultimo posporo wala ng mabilan. Lahat ng basic needs sa malolos na
galing. Maswerte pa din kami dahil we have enough foods kahit puro
canned. Yun nga lang bukas, di na magtatagal ang drinking water namin.
May tubig pa din kami sa gripo pero hindi pwedeng inumin.
4:00pm – Nagtext ang tita ko from manila, pinalilikas na kami.
Kasi daw ang tubig from pangasinan and nueva ecija pababa na daw ng
Bulacan. Weng and I decided to packed our things, yung mga importante
lang just in case. Si nanay denial. and siguro yung pakiramdam na ayaw
niyang iwan yung bahay.
Wala pa ding kuryente.
6:00pm – Went to bed early. Enough pa din ang food. Pero ang inuming
tubig wala na and hoping still, bukas wala ng tubig baha.
Sunday October 2, 2011
5:00am – Woke up. Check the water, bumaba pero hanggang balakang lang.
8:00-10:00am – Naglaba kami ng nanay sa likod mga clothes na ginamit
for the past 3 days. Lumipas ang oras bumaba pa hanggang itaas ng hita
Labas masok ng sampay dahil pa ambon-ambon. Yung mga hindi
na abot ng tuig inalisan na namin ng mga putik galing tubig baha din
pambawas sa water bill na babayaran sa paglilinis kapag talagang wala ng tubig.
11am – Dumating ang kuya ko may dalang mineral water - yehey!
ist time ko din nakakita ng helicopter na naghahagis ng relief goods
sa mga taong naghihiyawan sa itaas ng bubong sa katapat naming
eskwelahan na ginawang evacuation center.
2:30pm – Dumating si Clark , may dala din mineral water (yehey ulit)
at syempre suporta at pagmamhal (smile)
5:00pm – Madilim. Wala pa ding kuryente, syempre early dinner ulit.
Steady ang baha di na tumaas, di din bumaba.
6:00pm – Went to bed early. Begging the LORD na sana bukas wala ng baha.
Monday- October 3, 2011
5:00am – Woke up. May tubig pa, hanggang balakang pa din.
8:00am – I decided ayoko munang bumaba sa tubig baha. Wala din
namang magagawa. Hindi naman bumababa ang tubig baha, kunswelo
na lang hindi rin naman tumataas. Buti na lang may malaki kaming galawan
sa itaas, nagpalipas na lang ako ng maghapon sa pag-aayos ng 2 kwarto na
puno ng mga binalibag lang naming gamit galling sa ibaba
10:00am – Namalengke si Nanay, kasi di na siya makakain, 3 days na
kaming sardinas. Balak mag-sinigang na bangus. Pagbalik walang nabili,
puro daw alimango lang ang tinda. Sosyal ng lunch namin di ba.
1:00pm – Bumaba ng hanggang tuhod ang baha, Salamat. Mainit sa itaas
so I decided to go down para mag is-is na ng mga putik sa gamit. ang tubig
baha sa mga nakalitaw ng furnitures at pader.
5:00pm – Nagtatanungan ano hapunan. May alimango pa , noodles at sardines.
Sila alimango. Ako noodles, baka ma-allergey na ako, mahirap na .
6:00pm – Bukas wala na kaming stock ng food. Marami pang bigas pero
may 2 sardines na lang, kapag wala pang napalengke si nanay, no choice kami,
sardines ulit ang kakainin namin. Pero di bale, okay na din kesa wala. Sabi ni
nanay sobrang swerte pa din kami dahil ang pila ng sumasalok ng tubig sa truck
ng bumbero hindi mo na mabilang kung ilang dipa. Kami araw-araw pa din
nakakalinis, nakakahugas at nakakaligo ng komportable dahil may banyo sa itaas
at may tubig sa gripo.
7:00pm – Went to bed early with the hope that sana bukas wala ng tubig baha.
Tuesday- October 4, 2011
5:00am – Woke up. One week na kaming may tubig baha sa loob ng bahay.
Bumaba ang tubig sa hita na lang. Cooked breakfast. Eat. Am I getting used
to this? Hayst umuulan pa.
8:00am – Nakapalengke na si nanay, thank GOD may supply na kami ulit
ng food. While she’s cooking, naglalaba naman ulit ako ng ibang damit na naipon
last week pa. Salamat at tumigil na ang ulan.
1:00pm – We had our sumptuous lunch so far. Sinigang na bangus sa sampaloc.
Bumaba na ang tubig sa tuhod. High tide pala ng madaling araw, kaya sa umaga
mataas ang tubig.
2:00pm – We decided na maglaba ulit. Mga uniform ni weng sa hospital.
Baka kasi tagulaminin na. Mabagal na ulit ang pagbaba ng tubig.
4:00pm – Sa wakas nakapaligo na at nakaupo habang nagtitiklop ng mga
nilabhan damit habang tinititigan din ang sugat-sugat kong kamay. Nanay
is cooking dinner. Pritong Bangus!
5:00pm – Sobrang pagod yata kaya maaga nagutom. Ang kamay ko mahapdi
pa din. Ang sarap pa naman kumain ng naka-kamay kapag pritong bangus ang
ulam. Paano pa kaya bukas, may binabad pa kaming damit?
6:00pm – Went to bed early with the same hope na sana bukas pag-gisig ko,
wala ng tubig baha.
8:00pm, 10:00pm, 12:00mn – Yan ang mga oras na nakatala sa cp ko, pagising-
Gising, my lower back is aching. Hindi ako makatulog ng dire-diretso
Wednesday - October 5, 2011
5:00am – Woke up. Check ang tubig baha. Oh well, nothing has changed.
Below the knee pa din ang tubig. Waterworld na ba ito. Navotas, Malabon,
Ito na ba talaga ang “NORMAL” na magiging paligid namin.
7:00am – Wala na palang stock ng ulam. May tinapay. May bigas. May 2
sardines. Yung isda na nabili ni Nanay kahapon nasira kasi walang ref.
So sardines ulit mamayang lunch.
8:00am-12:00pm – Laba ulit with Nanay. Yung mga kinula namin kahapon.
Ako tiga banlaw, siya tiga sabon. Mahapdi na kasi yung kamay ko sa sugat
na gawa ng ilang araw na paglalaba.
1:00-4:00pm – Hinugasan ko yung mga plates at glassware na nalubog
kasama ng Chinese cabinet ni Nanay. Yung iba doon halos 30 yrs old na.
Mga collections niya. After that pinaliguan ko na yung cabinet at wooden
rack na patungan ng tv at ng kung anu-anong kagamitansa dining area.
baha sa gitna ng binti. Thank GOD my nakikita na akong pag- asa.
6:00pm – May tuna at meatloaf, kinuha ng pinsan ko sa relief.
Sosyal na kami, hindi na sardines di ba.
7:00pm – Went to bed early with the same hope na sana bukas pag-gisig ko,
wala ng tubig baha
Thursday - October 6, 2011
5:00am – Woke up. Check ang tubig baha. Oh well, nothing has change.
Bumaba lang ng konti below the knee ang tubig sa loob ng bahay, ang kalsada
wala ng tubig so, I decided to go to work na.
Trabaho. Makipag-kwentuhan sa mga nag-alalang co-faculty.
4:30 – 5:30pm – nag-grocery para bumili ng supplies sa bahay, konti lang naman
Ang binili ko, sa counter ako nagtagal dahil sa haba ng pila. Pati yata ang
Bayan ng Malolos, natakot na at nagpapanick buying na din. Bumili na din ako
Ng Jollibee Chicken ng maiba-iba naman sa sardines ang kinakain namin.
5:30 – 6:30pm – isang oras kaming naghintay ni Clark ng masasakyan, walang
Mga pampasaherong jeep. Lipat-lipat kami ng 3 pilahan, wala talaga. Mai-stranded
Pa ata ako.
7:00 – nasa Halang na ko, lilipat pa ako ng jeep dahil wala pang dumideretso
Na sasakyan sa Bayan dahil may madadaanan pang hanggang hita ang lalim
Ng baha, at wala na naman masakyan. Ang dilim dilim pa naman at wala pa din
Kuryente
7:45pm – nakarating na din ng bahay. Nakakain na din ng dinner. At bukas, hindi
Na muna ako papasok ulit, hindi pa din pala normal ang sitwasyon sa labas.
9:00pm - Went to bed with the same hope na sana bukas pag-gisig ko,
wala na talagang tubig baha sa loob ng bahay.
Friday - October 7, 2011
5:00am – Woke up. Check ang tubig baha, itaas ng bukong-bukong na lang
Ang tubig . Cooked breakfast, eat,.
8:00am – I decided na mag-isis na ng mga kagamitan at parte ng bahay na
nakalitaw na. Mga cabinet, ref, sulok ng bahay na puno ng kalat at burak
At magpaputi ng mga nadaanan ng putik, burak at kalat. Ito na yata ang pina-
Masakit sa katawan na dala ng pangyayaring ito.
natuyot at sugat-sugat kong kamay dahil sa sobrang babad sa sabon
at pagtama sa mga kasangkapan gawa ng pagi-isis
9:00pm – Bed at last! Ang bango ng bahay namin, amoy downy, yun ang
Pinang-banlaw namin sa bahay upang kahit papano mabawasan ang
Mabahong amoy ng burak na dumikit sa loob ng bahay. Sana lang,
Monday - October 10, 2011 – my BLOG date.
Sa ngayon, hindi na bumalik pa ang tubig baha, halos nasa kalahati na
Ang pagliligpit namin. Mga gamit, damit at furnitures na hindi na alam
Kung saan ba dati nakalagay. Hindi pa din nawawala yung amoy na dala
Ng baha. At hindi pa din nawawala yung takot ko sa umaga at pagsilip sa
Ibaba ay me tubig baha na naman.
Sa pagtatapos ng sakunang ito, masasabi kong sobrang napaka-swerte ko
Dahil mga material na bagay lamang ang nawala, at hindi buhay, at least sa aking pamilya.
sa ngayon hindi pa nagsi-sink in sa kin kung ano ba ang mga natutunan ko
sa pangyayaring ito, pero isa lang ang alam ko –
There is a light at the end of the tunnel…
No comments:
Post a Comment