Wednesday, August 31, 2011

Para sa yo TETA!



Bilang Coach mo, pinapa-alala ko lang:


Bawal pa ang mga ganitong kalunos-lunos na gawain.





Dapat panatilihin ang magandang kalusugan 
upang hindi mabigat ang katawan gaya nung 
TALENT competition - 


magaan ang katawan, kaya bigay na
bigay ang mga the-moves natin diyan.





Bawal din ang -


sumimangot at magsungit.



At dahil wala ako sa AWARDING NIGHT,
bibilinan ko ang mga kaibigan mong si Nicelle at JM, 
na walang choice na naging PA mo lately na -


GAWIN ANG DAPAT GAWIN kung kinakailangan 
kapag hindi ka sumunod sa mga ipagbibilin ko.




Lalo na kay JILL TOLENTINO na libreng
magbibigay ng kanyang serbisyo sa Awarding Night -


na nagpaganda din ng husto sa yo nung 
PRE-PAGEANT - You trust and obey her or else -



Itong nag-make-up sa yo nung PHOTO SHOOT


na ginawa kang ewan ang kukuhanin naming 
mag-aayos ulit sa yo! (ayaw mo nun diba?)





Kaya anak - 


susunod sa payo ko ha, huwag matigas ang ulo.




Again, repeat after me -
MAGANDA AT SEXY ako!






Kasing Ganda at Kasing Sexy ni Ma'am Rose!


Aruuuuu! kayo naman -
kaya nga tumalikod na lang e - so shyyyyyy!!!!!





O siya, siya, kahit wala ako, I'll be with you in spirit.
Just enjoy the competition okay, basta para sa -


buong CON, ikaw ang aming WINNER!


And dont worry, ang papalit naman sa akin na
Coach mo pag alis ko ay ang -


PINAKA-MAGANDA!
  


PINAKA-SEXY!




At ang
Kapita-Pitagang si -






Ma'am Josette "BAB" Reyes.


Ayos ba?!




Good luck TETA! mwahhh... Love you!



Sunday, August 28, 2011

My ONLY Wish


Tinatamad kang pumasok sa school?


Sila nga anak hindi makapag-aral kahit gusto nila
kasi lang wala silang pangtustos sa eskwelahan at
kailangan nailang magtrabaho muna upang makakain





Ayaw mo ng ulam na nakahain sa lamesa?


Siya nga anak sa basurahan lang kumukuha ng
makakain maitawid lang ang gutom





Naiinis ka kasi hindi maibili ang gusto mong laruan?


Siya nga anak o, masaya na siyang paglaruan
ang mga bagay na itinapon na ng ibang tao.





Naiinis ka kasi luma na yung kutson mo?


Sila nga anak o, sa kalsada lang natutulog, 
sa matigas na bato, may sapin lang na karton.





Nagdadabog ka kapag nagbebenta ka ng yelo ni Nanay?


Siya nga anak o, nagtatrabaho na, sa labas pa ng bahay,
sa mainit at mabahong bundok ng basura





Nag aaksaya ka ng tubig tuwing naliligo ka.


Kaya mo ba anak ipaligo ang tubig sa kanal o baha
sakaling mawalan tayo ng malinis na tubig?





Ayaw mo isuot minsan ang binibili kong shoes.


Sila nga anak o, nakayapak lang kasi wala silang pambili
kahit tsinelas lang pagpasok sa eskwela.





Ayaw mo ng naglilinis ng bahay?


Sila nga anak o, walang bahay na lilinisin kasi sa kariton 
ang sila nakatira, sa kalsada, walang bubong, walang pader.





Minsan ayaw mo ng pina-pangaralan ka namin.


Gusto mo ba anak, katulad nila wala ng magulang o pamilyang
tumitingin at nag-aalaga?





Ngayong birthday mo, ang wish ko lang ay
ma-appreciate mo ang mga bagay na mayroon ka
at huwag maghanap ng mga bagay na  hindi naman
mahalaga. Matutong mabuhay sa kung ano lang ang kaya
na ibigay ni Mommy at matutunan mong magpasalamat
sa mga taong nag-aalaga at nagmamahal sa iyo gaya
ng iyong pamilya at mga kaibigan.



Happy Birthday Reggae!