Thursday, April 22, 2010

ULAN

(written – March 08, 1994)


Umuulan noon
Tayo’y nagkakilala
Nakisukob ka pa
Sa payong kong dala

Umuulan din noon
Nang kita’y sagutin
Lumulundag ka pa nga
Sa tuwa at saya

Tag-ulan noon
Tayo ay nagseselebra
Tayo pala’y
Anim na buwan na

Tag-ulan din noon
Nang kita’y Makita
Kasama ay iba
At magkahawak kamay pa

At ngayon ay umuulan na naman
At ako ay nag-iisa
Kailan kaya sisikat ang araw
Kaytagal nang hindi nakita
.
.

No comments:

Post a Comment