Tuesday, September 28, 2010

ASA!

Huwag ka ng magtaka kung bakit
Walang laman na pagkain ang yong lamesa.


Gigising ka ng alas-diyes ng umaga.
Tatambay sa kanto.
Hihilata maghapon.
Makikipag-tismisan.
Magto-tong-its.
Mag-bibingo.
Maglalasing.


Asa ka pa?!

LEKSYON

“Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao
Ay may dahilan”

Kung tamad ka, hindi nagsusumikap
At puro ka pa reklamo sa buhay _
Wala kang karapatan na gamitin
At gasgasin ang linya na yan.

Kung hindi ka pa magbabago,
Natitiyak ko na magkakaroon na nga ng dahilan _
Magkaka-dahilan na ang Diyos bakit kailangan kang
Masadlak sa ganyang kalagayan.

Upang makita mo ang leksyon ng yong katamaran

TANONG LANG?

Kung babalik ba siya, tatangapin mo pa?

Kung ang sagot mo sa tanong na yan ay OO,
Sige, hahayaan lang kita na lumuha.


Ngunit kung ang sagot mo diyan ay HINDI,
Pakiusap, tigilan mo na ang pag-ngawa mo.


Hindi na siya ang nangloloko sa ‘yo sa mga oras na ito,

Sarili mo na lang ang niloloko mo…

MAYBE

(written – June 28, 1994)

Why do I feel so empty?
When I have everything I want.

Why do I feel I’m alone?
When I am surrounded with friends

Why do I feel so helpless?
When I know I can do it alone.

Maybe because I’m at lost
Or maybe there’s something missing

Maybe it’s someone
Maybe it’s something
Maybe I don’t know

Or maybe that’s what
I have to find out.