Friday, January 29, 2016

IN PAIN

Sabi nila : 

Mangarap ka.



A good provider and a loving companion.

Two equally gorgeous son.


Two titles after my name and another one coming. 


Personally taking care of a teenager and a toddler
in the most crucial stage of their lives,
then redeem my career soon after those
two brats have grown up a little bit.


Owning and messing the kitchen 
with nobody watching.


Budgeting. Groceries. 5 meals a day.


Able to buy the needed things.


A house to be build that is waiting 
for a final decision.




Ito LANG yung mga pangarap ko DATI.



Kaya't hindi ko maintindihan ang lohika na iwanan
ang lahat ng ito upang doon sa pupuntahan ko 
ay MULI kong pangarapin ang mga bagay na 
HETO ngayon at HAWAK KO NAMAN NA.



Ano pa nga ba ang dapat kong pangarapin?


Yung pangarap ng iba para sa akin?




Tuesday, February 18, 2014

OBSESSIVE - COMPULSIVE ME

(written June 13, 2010 via FB Notes)


Somebody asked me from FORMSPRING ME
kung ano ang pinaka-OC-OC na bagay ang ginawa ko.

madami... pero one was when I took a picture of all 
my shoes and pasted it outside the box

Si Nanay kasi, when she's looking for her shoes at nagmamadali,
hila lang siya ng hila kaya ayun nasisira yung mga box.
I did it for the purpose na para sa labas pa lang ng box
makikita na nya agad yung laman sa loob.


Pero siyempre matanda na, mahirap ng turuan (oopppsss)
Kaya ayan, 3 boxes with pictures na lang ang natira : 



Pero ang pinaka classic na ka- OC-OC- an ko was
when I went to work ng hindi ako komportable sa naisuot
kong sapatos nuong umalis ako ng bahay. Feeling ko
hindi siya bagay sa suot kong damit that day, and it was
noong nasa jeep na ako when I remembber mayroon pala
akong shoes na mas babagay sa suot ko. So, what I did
para hindi na ko makalimot sa susunod -


Eto, dinikit ko sa shoe cabinet namin :




Terribleng ka OC - OC - an noh?!!! : )



Tuesday, January 14, 2014

KAING KARGADOR


I love to eat. I sooo love to eat!

I am so lucky to have a slim body despite of my “KARGADOR APPETITE”
And because of that I thought of sharing with you the -

“Ang 7 na PINAKAMASARAP NA KAINAN SA MALOLOS”

(well, at least for me).

I visit and dine to these kainan’s because of their different 
specialties that I’m sure you will love too.

Let’s start from my least visited to my most favorite:


7. BAHAY NA TISA - Roast Beef and Lengua


Located along Paseo De Roxas, Brgy Catmon near Barasoain Church.
Dito yung “mahal pero sulit ang pera” and if you happen to have a 
“sosyal and maselang” bisita. I recommend you this place


6. MABUHAY PANSITERIA – Pansit Guisado


Pansiteria built around 1970’s. where families dine here usually after 
mass. Located at Poblacion ng Malolos at the back of the Cathedral.
I recommend you go there lunch time kasi they serve beer and
liquors from late afternoon until closing time. Prices are affordable.


5. CITANG’S – Kalamay, Suman, Puto, Tamales



This place also serves LTB and Pansit but Citang is 
known for their Kalamay and Suman - Bila-Bilao!
Kung pang-regalo o panghanda ang hanap mo, dito 
ka na bumili. Sulit na, hindi ka pa mapapahiya.
Citang is located in Barangay Sta Isabel.


4. LUGAWAN NI ABEL – Lugaw, Tokwa, Baboy


Lugaw and Goto here in Abel has a distinct taste
that makes me go back and crave for more.
I’m just not so sure but this place was built for
as long as I can remember. Abel is located
in Barangay Santisima Trinidad


3. KABISERA  RESTO – Pancit Canton and Kabisera Chicken


If you are a pancit canton lover – here is the place for you.
I remember when I was a kid, nahihilo ako kapag kumakain
Ako nito (for some unknown reason, I blamed it on the quality
Of noodles hahaha), but when I tasted Kabisera’s I keep
Coming back whenever I crave for Canton. One of
their specialties too is the Kabisera Chicken na tamang
tamang partner ng Pancit. Because it's built like an old-time 
house the place has pleasant soothing ambience.
Prices are affordable and good venue for small parties


2. KAPUSO – Tapsilog, Longsilog, Liemposilog




Located along Mc Arthur Hi way, Kapuso is open
24 hours and is actually offering the same variety
as to other Tapsilogan but it’s their SINANGAG
I am puzzled to as to how they cook and what secret
ingredient they put on it. Definitely not for “sosyal and
maarteng” bisita. Kapuso is the place where
“NAGPAPA-GISAW” na mga nag-inuman goes to at night.
Prices are very, very affordable. And to add some more,
Nakaka 3 cup ng sinangag si Justin dito. Ako? 2 cups!!! : )


and my most visited place is... <drum roll>


1. PARK N’ DINE – SISIG!!! Pinakbet w/Bagnet, Chicken Pandan
                    Chicharong Bulaklak, Crispy Binagoongan
 Tapsilog, Kilawing Tanigue


   

 

If you like your Pork SISIG crunchy, without mayonnaise and
raw egg on top of it – ay dito ka na! I am a suki for 6 years now.
(and most of my friends). I visit and Dine here twice or thrice 
a month because of its sumptuous food and  affordable prices. 
The place is very simple yet ito yung matatawag na “kain bahay”.
Comfortable and accessible. I also bring balikbayan friends and 
family here kasi hindi ka talaga mapapahiya sa lasa ng pagkain nila. 
Although it doesn’t live up to its name - PARK N’ DINE – 
(parking space can accommodate only 2 cars)
I and my friends have this personal joke – O saan tayo kakain
Sa DINE N' DINE? : ) but regardless, this place is highly recommended.




So that’s all folks! If you happen to know a Restaurant or a place to eat
in Malolos, City that I did not mention here, please, please share it.

Don't wanna miss half of my life : )

Wednesday, February 6, 2013

SIX -PACK ABS my A**

ang tanong ko ay para sa lahat ng mga 
"TUNAY NA LALAKE"  (or nagke-claim for that matter ) 
na galit na galit sa mga BAKLA:


makakabawas ba sa "PAGKA-LALAKE" mo
kung magiging mabait ka sa kanila?


hindi ka ba matatawag na TAO 
kung tatangapin mo sila?




malulusaw ba ang SIX PACK ABS mo
kung ita-trato mo sila ng patas?


may karanasan ka bang hindi maganda sa 
mga BAKLA, para pandirihan at itrato mo sila
ng hindi tama? kaya imbes na sana ipagdasal mo
na lang at patawarin, binabalik mo sa kanila
ang kasamaang ginawa niya sa yo kung meron man.

so, ano pang pinag-kaiba mo sa KANILA?


o baka naman NAIIN-SECURE ka lang 
sa mga BAKLA na MATATAPANG
dahil sila ay open na at ikaw ay
DUWAG at TAKOT pang LUMABAS?


HINDI naman ganon?


 so STRAIGHT KA TALAGA? 



o, e, sa tingin mo ba porket STRAIGHT ka, 
ikaw lang ang anak ng diyos? na ikaw lang 
ang may karapatang MABUHAY NG NORMAL?


kung nakalagay man sa BIBLIA o kung saang libro
na KASALANAN ang pagiging BAKLA
sa tingin mo ba sa pagiging 
PALALO at MAPANG-HUSGA mo sa
"MAKASALANANG BAKLA" na sinasabi mo
ay makakarating ka na sa langit?


hindi nga ba kaya tayo binigyan ng Diyos ng
busilak na puso at MATAAS NA ANTAS NG PAG-IISIP
ay para matuto tayong RUMESPETO sa KAPWA-TAO
natin at huwag mag-asal HAYOP.


alam mo ba yon? 


hindi?


eh, walang duda kung bakit ganyan ang 
ugali mo!


Monday, January 21, 2013

goodluck


just when I decided I am ready -


wish me luck next time....





Saturday, November 10, 2012

UGLY BABY

Lumaki ako na may "UGLY DUCKLING SYNDROME"



Hindi ko lubusang sinisi ang isang tao sa pag-iisip kong iyan,
Ngunit napaka-laki ng nagawa niyang epekto kung bakit ang
Baba ng tingin ko sa sarili ko lalo na sa pisikal na kaanyuan

Sa maraming pagkakataon pinaramdam niya sa akin
na hindi ako kailanman makakapantay sa kanyang kagandahan,
katayuan sa buhay, sa katalinuhan,  at kasikatan.


 > Sa isang School Org. na magkasama kami ngunit parang hindi
    ako nag-eexist dahil hindi naman daw ako sikat bakit ako nanalo.

 > Sa Monito-Monita na napapasimangot siya kasi hindi
    Niya gusto yung natatangap mula sa akin bilang mommy niya.

 > Sa mga school programs na palaging sinasali lang niya ako kasi
    No choice na at pampuno sa linya ng mga sasayaw

 > Graduation day kung saan iisang Parlor ang pinuntahan namin
    At isang makamatay na irap ang pinukol sa akin dahil
    Parehong-pareho ang buhok at make-up na ginawa sa amin


Sobra-sobrang kumpyansa at tiwala sa sarili ang nawala sa kin
Mula pagkabata hanggang sa paglaki ko, hinayaan kong lamunin
ako ng insekyuridad dahil sa mga karanasang iyan at marami pang iba
sa tao na to. Habang tumatanda ako, maraming pagkakataon na may
gusto akong gawin, puntahan at subukang mga bagay ngunit dahil sa
mababang pagtingin ko sa sarili ko, hindi ko sinubukan

Naniniwala ako na bukod sa kinalakihang Kultura at tradisyon,
May iba pang pinangga-galingan ang bawat tao sa kung ano ang
Karakter, prinsipyo at pag-uugali niya sa kasalukuyan.

Nasulat ko to dahil sa tanong ng anak ko isang gabi :

“ Mommy bakit ang hilig mong mag-post ng picture sa facebook, 
ang dami-dami na…”

Kaya’t dahil dito, tinanong ko ang sarili ko -

Saan nga ba ako nanggagaling?

Ang sagot ko – hindi ko gustong magyabang, magmalaki 
o umani ng mga “likes”.

Siguro lang gusto kong maramdaman na nakabangon na ko sa napakatagal
na pagkakakulong sa isang pangit na karanasan. Gusto ko lang sabihin
na bumalik na muli ang tiwala ko sa sarili ko.

Na may natutunan ako sa pangyayaring halos lumamon ng
pagkatao ko – Na  bago ako mahalin at iangat ng iba,
dapat ako muna ang mag-angat at magmahal sa sarili ko.

At ang tao na ito ay nag-iisa lang kumpara sa mga taong
Naniniwala sa aking kakayahan.

Hindi ko man kayang lagpasan ang kanyang kagandahan,
katalinuhan at kasikatan, pero ngayon kaya ko ng makipag-sabayan
at hindi na muling matatakot at hahayaang makulong
muli sa paniniwalang "UGLY DUCKLING AKO”



baket?




Kasi nga, MAGANDA NA AKO! : )




Monday, November 5, 2012

OCTOBERFEST


The last three years with you has not been easy.
Too often, you and I get so caught up in the little
everyday moments of life though, but we've managed
to get in front of all of it and figure out what makes us work.
I love you for being you, good and not so good,
but always constant and I love you for that.





It has been quite a ride so far,
and I’m looking forward to more of those ups and downs,
tears and laughter’s and sickness and health with you.
I would like to believe that the life we created
is by far the most wonderful times of my life.





I love you so much and I always will… 






even when I’m too old to remember what I’m supposed to love you for...



Friday, September 7, 2012

ROCKY ROAD


Ito ang karamay ko kapag wala akong
pasok at habang naglilinis ng buong bahay.
Yes, mga kapatid, sa panahon ng MP3, MP4
at IPOD – may transistor radio pa!.




Mas gusto kong yumayanig ang buong bahay
Namin sa tunog ng radyo kesa yumayanig ang
Utak at eardrums ko, dahil sa totoo lang feeling ko
lagi na lang may gulo o away sa  paligid kapag
may headset o earphone na nakasalpak sa tenga ko.
  

Love Radio 96.3, the only radio station I tuned-in to.
Light and Easy rock music mostly from the 80’s.


Magaganda ang songs from the 80’s. Yung lapat ng
melody, yung harmony, yung lyrics especially.
Mga original piece at madalang lang ang revival.
Hindi katulad ng mga kanta ngayon na kung hindi
Ni-revive lang, e nag-umpisa at natapos sa –
“baby, baby, oh, baby, baby…”


Kanina may kantang pumailanlang at nasabi kong
Napaka-sarap talaga pakinggan yung mga kantang
Mga 2 o 3 taon mo ng hindi nadidinig. At habang
Ninanamnam ko ang liriko ng kanta, hindi ko
Maiwasan na sabihing:


“Oo nga, naman, para saan nga ba?”


Sa isang buwan, 3 years ko nang kasama ang –
Kaibigan, katawanan, kaiyakan, kabolahan,
tagapag-alaga, kasiyahan at ang taong nagparamdam 
sa akin kung gaano ako ka-espesyal sa napakaraming
dahilan at naisip ko lang hanggang saan kaya
ang aming itatagal? hanggang kailan?


(sa parteng ito binalikan ko ang simula ng blog
na ito, from my Nanay’s transistor radio to the
song of the 80’s to my lovelife – at hindi ko maintindihan
ano ba ang thought ng entry o article ko na ito?


pasensiya na hindi ko din masagot hahahha


naaliw lang siguro ako sa kantang matagal ko
ng hindi napakinggan, sige heto, pakinggan
na lang din ninyo…



Sunday, June 17, 2012

Class Schedule


Pasukan na naman. Kagaya nung nakaraang taon
Hinimay ko ulit na mabuti ang schedule ni Justin.

At kagaya din nung nakaraang taon, hindi ko 
maiwasang mapailing habang nagsasalimbayan
sa utak ko ang mga tanong, puna at komento 
sa aking binabasa.

Heto ang schedule niya everyday.




Walang pinagbago, gaya nung First Year siya 
mapipilitan na naman magbuhat ng SAMPUNG KILONG
timbang ng mga libro at notebook ang mga bata
araw-araw dahil halos lahat ng subject ay
naka-schedule sa buong maghapon



At heto ang pilit kong binibigyan ng katwiran sa isip ko:


7:30 – 8:30 = MAPEH – FIRST SUBJECT???!!!???


Hindi naman sa binabalewala ko ang subject na MAPEH -

Pero eto ha:.

Umaga, papasok ng naka school uniform ang bata,
diretso sa CR o kung may dressing room man (but I bet…)
maghuhubad ng suot, magpapalit ng PE uniform –
t-shirt, jogging pants, rubber shoes.


Ang school uniform na ibinayad mo ng labada, ng
pagpapa-plantsa _ pano na?


Ang bata na pinaliguan mo at pinabango upang sa maghapong
Pag-aaral ay maginhawa  _ after PE activities presko pa ba?


Ang bata na pinakain mo ng breakfast upang alive and alert
Siya sa mga subjects bago ang recess at lunch _ me enthusiasm
pa ba na makinig? (Math pa naman yung subject after PE at
Major subjects in the afternoon)


Tsk… tsk… tsk…


Alam ko bilang isang guro mahirap talaga ang gumawa ng schedule
Pero sana lang maging considerate din tayo at maging sensitibo
Sa kung ano ba yung magiging pabor para sa lahat


At ang akin lang naman – according na din sa DepED – dapat ang
Lahat ng eskwelahan ay PRO-STUDENT.


Yun lang. ‘Til next school year?


Sunday, April 29, 2012

hindi lang ikaw

kung paulit-ulit
kung walang nagbabago
kung kahit konti nakikinig man lang -

minsan yung nagpapayo napapagod din...

hindi dahil sawa ng makinig, pero dahil ayaw mo ng makita 
na nasasaktan siya, na lalo siyang nalulunod sa kalungkutan niya, 
na nakikita mong hindi naman niya kailangan ang payo mo - 

dahil hindi niya nadidinig
sa iyo ang gusto lang niyang madinig...



Tuesday, October 11, 2011

My 1week and 3days LOVE AFFAIR with PEDRING

Tuesday - September 27, 2011

5am - May kuryente pa, sabi sa news may
bagyo, walang pasok ang BSU. I cooked
breakfast.I cleaned the house.

7am - I was helping my mother packed her things
for her boracay trip with her sister it was raining hard.
Sa sulok where our ref is at, may kumakatas ng tubig.
She then asked my brother na iurong na sa living room
ito para mapunasan.

7:30am – Sobrang bilis ang pasok ng tubig .
Mayroon na din sa Dining area, sa room ng kuya ko
at sa isang rom that serves as our walk-in cabinet

9am – hanggang gitnang binti na ang tubig baha.
We decided itaas na ang ref at sala set sa table na mataas.
Ang lagayan ng bigas, ang mga damit na nasa ibabang
bahagi ng cabinet na maaring mabasa.




10am -2:30pm – Wala ng kuryente, naitaas na namin
sa mga patungan  ang mga mababasa sa 1st floor. At last,
nagluluto na si Nanay, makaka-pag-lunch na din kami.

2:30 - 6pm – Tumigil na ang pagtaas ng tubig baha.
We had our early dinner dahil wala ng kuryente.
Nag-ipon na din kami ng malinis na tubig just in case.

7:00pm – Went to bed. Hoping bukas wala ng baha


Wednesday - September 28, 2011

3:00am – Woke up, malakas hangin, malakas ulan,
di ako makatulog, I checked downstairs tumaas pa ang tubig
3 inches below the knee na.

4am-8am – itinaas pa ulit naming sa mas mataas na patungan
ang mga gamit not on the 2nd floor of our house, kasi denial pa
kami na hindi na tataas pa ang baha. Except for the computer
and some clothes na nasa mataas na cabinet.


 
9am - 6:00pm – lakad lang sa bahay checking our things.
Cooked lunch. Cooked dinner.

7:00pm – Went to bed. Hoping bukas wala ng baha.


Thursday – September 29, 2011

5:00am – I woke up. Check yung baha. Bumababa na sa gitna
ng binti. May pasok na daw kami, buti na lang sa Perez Hospital
lang ako, block away from our house, duty with students sa DR.

11am – Tumawag ang Clinical Coordinator ko, pinauuwi na kami
dahil tumataas daw ang tubig sa Calumpit. Pag-uwi ko ng bahay
nakalinis na sila nanay. Wala ng tubig sa buong bahay. Nagbihis
lang ako. Kumain then help them clean the house. Pero hindi
muna kami nagbaba ng gamit dahil sa bali-balitang may dadating
na naman daw tubig baha galling Calumpit

3:00pm – Natapos  kaming maglinis

3:30pm – In a matter of 30mins, eto na naman ang tubig baha,
this time ito na yung galing Calumpit at ng mga ilog.

5:00pm - Binti na ulit ang tubig. Bali-balita mas tataas pa ang tubig ,
so again panibagong pagtataas ulit ng gamit sa mas mataas pa ulit
na mga patungan.



 
7:00pm – Went to bed. Hoping bukas wala ng baha.
3 days ng walang kuryente


Friday – September 30, 2011

2:30am - Woke-up. Check yung baha. Itaas na ng tuhod.
Hindi ko alam kung paano gigisingin si nanay ko. Magpapanick yun.
Kaya lang I have to. Yung isang kabang bigas at ref namin na nakataas
aa lamesa aabutin na, yung dining table lubog na, dinahan-dahan ko na
lang ng gising, pagbaba niya, napanganga na lang siya. Then pag-open
sa harap ng bahay, tumba na ang cabinet na gamit namin sa dating botica.

3:00am – Gising na kami lahat. Again, this time tinaas na namin
sa 2nd floor yung bigas, yung ref. at halos lahat ng gamit sa ibaba
pwera lang yung cabinet na matanda pa sa kin at hindi namin
mabubuhat. Gumawa na din kami ng lutuan sa gilid ng hagdan.
Kami na lang ang may tubig sa gripo sa buong baranggay (tnx GOD!)
May mahabang-mahabang hose ang nanay, mula likod bahay, hanggang
hagdan sa living room abot, kinabit namin na nagsilbing kitchen.



 
 11:00am – Nasa hita na ang tubig. Nakakain na din sa wakas.
At ang tubig baha, patuloy pa ding tumataas.

2:30pm – 12hrs na akong gising. 12 hrs na ding babad sa tubig at
ang tubig baha pataas na ng bewang.


 
4:00pm – Mabagal na ang taas ng tubig. Sa kalsada maraming
naglalakad. Ang mga tao panic buying na. may nananamantala
ng presyo ng bilihin. May nagpapacharge ng cellphone ng libre.
May mga Bangka. Mga truck na naghahatid ng mga tao paroot
Parito sa Hagonoy – Malolos. Ang mga grocery halos ubos na
ang laman. Wala ng mabilan ng Mineral water


5:30pm – Early dinner. Walang magagawa. Walang kuryente.
Madami pa din kaming stock na food. Bigas, canned goods, potable water,
malaking galawan sa taas, kandila, de gaas na lampara at tubig sa gripo.
Sobrang swerte pa din kami. At ang tubig baha, tumaas na ng bewang


 


 
6:00pm – Went to bed early. Hoping bukas wala ng baha.
At last nakahiga na din.


Saturday – October 1, 2011

4:30am – Woke up. Check ang baha. This time above waist na.
Lahat ng mga antigong cabinet tumaob na, itinali na lang namin para
hindi lulutang lutang sa bahay.

7:00am – Tumataas pa din, we then decided galing sa hagdan ipanik
na din ang lutuan sa itaas. Ang kalan, ang gasul, ang utensils.

2:30pm – Lumipas ang maghapon sa panood ng mga tao sa kalsada,
mga banka, mga rubber boat, mga truck, mga helicopter na paiko-ikot,
mga bali-balita at usapan nga mga taong nadadaan sa harap ng bahay.
Ultimo posporo wala ng mabilan. Lahat ng basic needs sa malolos na
galing. Maswerte pa din kami dahil we have enough foods kahit puro
canned. Yun nga lang bukas, di na magtatagal ang drinking water namin.
May tubig pa din kami sa gripo pero hindi pwedeng inumin.



 

 
4:00pm – Nagtext ang tita ko from manila, pinalilikas na kami.
Kasi daw ang tubig from pangasinan and nueva ecija pababa na daw ng
Bulacan. Weng and I decided to packed our things, yung mga importante
lang just in case. Si nanay denial. and siguro yung pakiramdam na ayaw
niyang iwan yung bahay.

 5:00pm – Early dinner as usual. Wala ng charge ang cp ko.
Wala pa ding kuryente.

6:00pm – Went to bed early. Enough pa din ang food. Pero ang inuming
tubig wala na and hoping still, bukas wala ng tubig baha.


Sunday October 2, 2011

5:00am – Woke up. Check the water, bumaba pero hanggang balakang lang.

8:00-10:00am – Naglaba kami ng nanay sa likod mga clothes na ginamit
for the past 3 days. Lumipas ang oras bumaba pa hanggang itaas ng hita
Labas masok ng sampay dahil pa ambon-ambon. Yung mga hindi
na abot ng tuig inalisan na namin ng mga putik galing tubig baha din
pambawas sa water bill na babayaran sa paglilinis kapag talagang wala ng tubig.


 
11am – Dumating ang kuya ko may dalang mineral water - yehey!
ist time ko din nakakita ng helicopter na naghahagis ng relief goods
sa mga taong naghihiyawan sa itaas ng bubong sa katapat naming
eskwelahan na ginawang evacuation center.

2:30pm – Dumating si Clark, may dala din mineral water (yehey ulit)
at syempre suporta at pagmamhal (smile)

5:00pm – Madilim. Wala pa ding kuryente, syempre early dinner ulit.
Steady ang baha di na tumaas, di din bumaba.

6:00pm – Went to bed early. Begging the LORD na sana bukas wala ng baha.


Monday-  October 3, 2011

5:00am – Woke up. May tubig pa, hanggang balakang pa din.

8:00am – I decided ayoko munang bumaba sa tubig baha. Wala din
namang magagawa. Hindi naman bumababa ang tubig baha, kunswelo
na lang hindi rin naman tumataas. Buti na lang may malaki kaming galawan
sa itaas, nagpalipas na lang ako ng maghapon sa pag-aayos ng 2 kwarto na
puno ng mga binalibag lang naming gamit galling sa ibaba




 

 
10:00am – Namalengke si Nanay, kasi di na siya makakain, 3 days na
kaming sardinas. Balak mag-sinigang na bangus. Pagbalik walang nabili,
puro daw alimango lang ang tinda.  Sosyal ng lunch namin di ba.

1:00pm – Bumaba ng hanggang tuhod ang baha, Salamat. Mainit sa itaas
so I decided to go down para mag is-is na ng mga putik sa gamit. ang tubig
baha sa mga nakalitaw ng furnitures at pader. 

5:00pm – Nagtatanungan ano hapunan. May alimango pa , noodles at sardines.
Sila alimango. Ako noodles, baka ma-allergey na ako, mahirap na .

6:00pm – Bukas wala na kaming stock ng food. Marami pang bigas pero
may 2 sardines na lang, kapag wala pang napalengke si nanay, no choice kami,
sardines ulit ang kakainin namin. Pero di bale, okay na din kesa wala. Sabi ni
nanay sobrang swerte pa din kami dahil ang pila ng sumasalok ng tubig sa truck
ng bumbero hindi mo na mabilang kung ilang dipa. Kami araw-araw pa din
nakakalinis, nakakahugas at nakakaligo ng komportable dahil may banyo sa itaas
at may tubig sa gripo.


7:00pm – Went to bed early with the hope that sana bukas wala ng tubig baha.


Tuesday- October 4, 2011

5:00am – Woke up. One week na kaming may tubig baha sa loob ng bahay.
Bumaba ang tubig sa hita na lang. Cooked breakfast. Eat. Am I getting used
to this? Hayst umuulan pa.

8:00am – Nakapalengke na si nanay, thank GOD may supply na kami ulit
ng food. While she’s cooking, naglalaba naman ulit ako ng ibang damit na naipon
last week pa. Salamat at tumigil na ang ulan.


         
1:00pm – We had our sumptuous lunch so far. Sinigang na bangus sa sampaloc.
Bumaba na ang tubig sa tuhod. High tide pala ng madaling araw, kaya sa umaga
mataas ang tubig.

2:00pm – We decided na maglaba ulit. Mga uniform ni weng sa hospital.
Baka kasi tagulaminin na. Mabagal na ulit ang pagbaba ng tubig.

4:00pm – Sa wakas nakapaligo na at nakaupo habang nagtitiklop ng mga
nilabhan damit habang tinititigan din ang sugat-sugat kong kamay. Nanay
is cooking dinner. Pritong Bangus!

5:00pm – Sobrang pagod yata kaya maaga nagutom. Ang kamay ko mahapdi
pa din. Ang sarap pa naman kumain ng naka-kamay kapag pritong bangus ang
ulam. Paano pa kaya bukas, may binabad pa kaming damit?

6:00pm – Went to bed early with the same hope na sana bukas pag-gisig ko,
wala ng tubig baha.

8:00pm, 10:00pm, 12:00mn – Yan ang mga oras na nakatala sa cp ko, pagising-
Gising, my lower back is aching. Hindi ako makatulog ng dire-diretso


Wednesday - October 5, 2011

5:00am – Woke up. Check ang tubig baha. Oh well, nothing has changed.
Below the knee pa din ang tubig. Waterworld na ba ito. Navotas, Malabon,
Ito na ba talaga ang “NORMAL” na magiging paligid namin.

7:00am – Wala na palang stock ng ulam. May tinapay. May bigas. May 2
sardines. Yung isda na nabili ni Nanay kahapon nasira kasi walang ref.
So sardines ulit mamayang lunch.

8:00am-12:00pm – Laba ulit with Nanay. Yung mga kinula namin kahapon.
Ako tiga banlaw, siya tiga sabon. Mahapdi na kasi yung kamay ko sa sugat
na gawa ng ilang araw na paglalaba.

1:00-4:00pm – Hinugasan ko yung mga plates at glassware na nalubog
kasama ng Chinese cabinet ni Nanay. Yung iba doon halos 30 yrs old na.
Mga collections niya. After that pinaliguan ko na yung cabinet at wooden
rack na patungan ng tv at ng kung anu-anong kagamitansa dining area.

5:00pm – At last, nakaupo na din at natuyo ang paa. Bumaba na ang tubig
baha sa gitna ng binti. Thank GOD my nakikita na akong pag- asa.

6:00pm – May tuna at meatloaf, kinuha ng pinsan ko sa relief.
Sosyal na kami, hindi na sardines di ba.

7:00pm – Went to bed early with the same hope na sana bukas pag-gisig ko,
wala ng tubig baha


Thursday - October 6, 2011

5:00am – Woke up. Check ang tubig baha. Oh well, nothing has change.
Bumaba lang ng konti below the knee ang tubig sa loob ng bahay, ang kalsada
wala ng tubig so, I decided to go to work na.

8:00am – 4:00pm – I stayed in school nag-umpisang gawin ang mga naiwang
Trabaho. Makipag-kwentuhan sa mga nag-alalang co-faculty.

4:30 – 5:30pm – nag-grocery para bumili ng supplies sa bahay, konti lang naman
Ang binili ko, sa counter ako nagtagal dahil sa haba ng pila. Pati yata ang
Bayan ng Malolos, natakot na at nagpapanick buying na din. Bumili na din ako
Ng Jollibee Chicken ng maiba-iba naman sa sardines ang kinakain namin.

5:30 – 6:30pm – isang oras kaming naghintay ni Clark ng masasakyan, walang
Mga pampasaherong jeep. Lipat-lipat kami ng 3 pilahan, wala talaga. Mai-stranded
Pa ata ako.

7:00 – nasa Halang na ko, lilipat pa ako ng jeep dahil wala pang dumideretso
Na sasakyan sa Bayan dahil may madadaanan pang hanggang hita ang lalim
Ng baha, at wala na naman masakyan. Ang dilim dilim pa naman at wala pa din
Kuryente

7:45pm – nakarating na din ng bahay. Nakakain na din ng dinner. At bukas, hindi
Na muna ako papasok ulit, hindi pa din pala normal ang sitwasyon sa labas.

9:00pm - Went to bed with the same hope na sana bukas pag-gisig ko,
wala na talagang  tubig baha sa loob ng bahay.


Friday - October 7, 2011

5:00am – Woke up. Check ang tubig baha, itaas ng bukong-bukong na lang
Ang tubig . Cooked breakfast, eat,.

8:00am – I decided na mag-isis na ng mga kagamitan at parte ng bahay na
nakalitaw na. Mga cabinet, ref, sulok ng bahay na puno ng kalat at burak


          


         
8:00am– 7:00pm – wala kaming ginawa kundi mag-isis, magwalis, magkuskos
At magpaputi ng mga nadaanan ng putik, burak at kalat. Ito na yata ang pina-
Masakit sa katawan na dala ng pangyayaring ito.


        




          

8:00pm – dinner time, then after naligo na and then nagpahid ng lotion sa
natuyot at sugat-sugat kong kamay dahil sa sobrang babad sa sabon
at pagtama sa mga kasangkapan gawa ng pagi-isis

9:00pm – Bed at last! Ang bango ng bahay namin, amoy downy, yun ang
Pinang-banlaw namin sa bahay upang kahit papano mabawasan ang
Mabahong amoy ng burak na dumikit sa loob ng bahay. Sana lang,
sana lang bukas, pagising ko, hindi na bumalik ang tubig baha.


Monday - October 10, 2011 – my BLOG date.

Sa ngayon, hindi na bumalik pa ang tubig baha, halos nasa kalahati na
Ang pagliligpit namin. Mga gamit, damit at furnitures na hindi na alam
Kung saan ba dati nakalagay. Hindi pa din nawawala yung amoy na dala
Ng baha. At hindi pa din nawawala yung takot ko sa umaga at pagsilip sa
Ibaba ay me tubig baha na naman.

Sa pagtatapos ng sakunang ito, masasabi kong sobrang napaka-swerte ko
Dahil mga material na bagay lamang ang nawala, at hindi buhay, at least sa aking pamilya.
sa ngayon hindi pa nagsi-sink in sa kin kung ano ba ang mga natutunan ko
sa pangyayaring ito, pero isa lang ang alam ko –



There is a light at the end of the tunnel…