Sunday, September 18, 2011

to be HAPPY for no reason

nung mga bata pa tayo, sigurado ako, 
lahat ay hindi nakaligtas sa tanong na -

"anong gusto mong maging paglaki mo?"

at siyempre heto ang mga pangkaraniwang sagot:

"paglaki ko, gusto kong maging doctor..."
"paglaki ko, gusto kong maging engineer..."
"paglaki ko, gusto kong maging nurse..."
"paglaki ko, gusto kong maging police..."
"paglaki ko, gusto kong maging teacher..."
"paglaki ko, gusto kong maging Presidente ng Pilipinas..."


pero ngayong matanda na ako, 
at kung tatanungin ulit ako,

eto na ang isasagot ko -



When I grow up I want to be more like a child..."




A child can always teach an adult three things:

To be happy for no reason.
To always be busy with something
And to know how to demand with all his might that which he desires

Fifth Mountain
by: Paulo Coelho

Wednesday, August 31, 2011

Para sa yo TETA!



Bilang Coach mo, pinapa-alala ko lang:


Bawal pa ang mga ganitong kalunos-lunos na gawain.





Dapat panatilihin ang magandang kalusugan 
upang hindi mabigat ang katawan gaya nung 
TALENT competition - 


magaan ang katawan, kaya bigay na
bigay ang mga the-moves natin diyan.





Bawal din ang -


sumimangot at magsungit.



At dahil wala ako sa AWARDING NIGHT,
bibilinan ko ang mga kaibigan mong si Nicelle at JM, 
na walang choice na naging PA mo lately na -


GAWIN ANG DAPAT GAWIN kung kinakailangan 
kapag hindi ka sumunod sa mga ipagbibilin ko.




Lalo na kay JILL TOLENTINO na libreng
magbibigay ng kanyang serbisyo sa Awarding Night -


na nagpaganda din ng husto sa yo nung 
PRE-PAGEANT - You trust and obey her or else -



Itong nag-make-up sa yo nung PHOTO SHOOT


na ginawa kang ewan ang kukuhanin naming 
mag-aayos ulit sa yo! (ayaw mo nun diba?)





Kaya anak - 


susunod sa payo ko ha, huwag matigas ang ulo.




Again, repeat after me -
MAGANDA AT SEXY ako!






Kasing Ganda at Kasing Sexy ni Ma'am Rose!


Aruuuuu! kayo naman -
kaya nga tumalikod na lang e - so shyyyyyy!!!!!





O siya, siya, kahit wala ako, I'll be with you in spirit.
Just enjoy the competition okay, basta para sa -


buong CON, ikaw ang aming WINNER!


And dont worry, ang papalit naman sa akin na
Coach mo pag alis ko ay ang -


PINAKA-MAGANDA!
  


PINAKA-SEXY!




At ang
Kapita-Pitagang si -






Ma'am Josette "BAB" Reyes.


Ayos ba?!




Good luck TETA! mwahhh... Love you!



Sunday, August 28, 2011

My ONLY Wish


Tinatamad kang pumasok sa school?


Sila nga anak hindi makapag-aral kahit gusto nila
kasi lang wala silang pangtustos sa eskwelahan at
kailangan nailang magtrabaho muna upang makakain





Ayaw mo ng ulam na nakahain sa lamesa?


Siya nga anak sa basurahan lang kumukuha ng
makakain maitawid lang ang gutom





Naiinis ka kasi hindi maibili ang gusto mong laruan?


Siya nga anak o, masaya na siyang paglaruan
ang mga bagay na itinapon na ng ibang tao.





Naiinis ka kasi luma na yung kutson mo?


Sila nga anak o, sa kalsada lang natutulog, 
sa matigas na bato, may sapin lang na karton.





Nagdadabog ka kapag nagbebenta ka ng yelo ni Nanay?


Siya nga anak o, nagtatrabaho na, sa labas pa ng bahay,
sa mainit at mabahong bundok ng basura





Nag aaksaya ka ng tubig tuwing naliligo ka.


Kaya mo ba anak ipaligo ang tubig sa kanal o baha
sakaling mawalan tayo ng malinis na tubig?





Ayaw mo isuot minsan ang binibili kong shoes.


Sila nga anak o, nakayapak lang kasi wala silang pambili
kahit tsinelas lang pagpasok sa eskwela.





Ayaw mo ng naglilinis ng bahay?


Sila nga anak o, walang bahay na lilinisin kasi sa kariton 
ang sila nakatira, sa kalsada, walang bubong, walang pader.





Minsan ayaw mo ng pina-pangaralan ka namin.


Gusto mo ba anak, katulad nila wala ng magulang o pamilyang
tumitingin at nag-aalaga?





Ngayong birthday mo, ang wish ko lang ay
ma-appreciate mo ang mga bagay na mayroon ka
at huwag maghanap ng mga bagay na  hindi naman
mahalaga. Matutong mabuhay sa kung ano lang ang kaya
na ibigay ni Mommy at matutunan mong magpasalamat
sa mga taong nag-aalaga at nagmamahal sa iyo gaya
ng iyong pamilya at mga kaibigan.



Happy Birthday Reggae!




Saturday, June 18, 2011

SAMPUNG KILO


Hindi naman sa pakialamera ako sa
Curriculum ng may Curriculum, pero
Bilang magulang, may karapatan
Akong mag-tanong at mag-urirat
Kung may mga bagay na sa tingin
Ko e parang hindi yata tama.

Gaya na lang nito:

Base sa napakagandang penmanship
Ng anak ko, heto ang schedule nila sa
Araw-araw sa buong lingo.



So, it means, ito ang dapat nilang BUHATIN
Sa umaga pa lang pagpasok, sa maghapon
kada  palit ng room at Sa pag-uwi sa hapon.




Hindi naman sa pang-aano, e kayo kaya
ang pagbuhatin ng halos 10 kilong bigat
kung hindi mabali ang likod ninyo!

Posible naman sigurong gumawa ng
Schedule Na hindi magiging ganito
kabigat,  LITERALLY, Para sa mga estudyante. 
Me paraan, OO. Gaya Nung Grade 5 at
Grade 6 ang anak ko Iniiwan nila ang ibang
libro sa school para Hindi na siya araw-araw
binibitbit ng mga bata.

Pero dahil sa nitong taon na ito, napag-
Alaman Ko na kung may kakilala ka na
Higher year pwedeng Mong bilhin ang used
Book para makatipid, At ngayon Lang nag-
Sink in sa akin, na kaya pala 2 taon na din
bago magtapos ang school year,  Halos 4 sa
12 libro na lang ng anak ko ang naiuuwi
Niya, dahil NAWAWALA na daw sa room!


E di bale sana kung barya-barya lang
ang presyo ng mga libro ngayon!

(click on the picture to enlarge, ng ma-enlarge din ang mga mata ninyo)

At hindi bale sana kung lahat ng libro e
Magagamit ulit sa susunod na taon,
pano kung nagkaroon na ng Revision –

Gaya ng libro na ito na napaka-kapal
At Pinakamahal sa lahat - Php710.00!!!




Taon-Taon ang revision nito, mind you!


OO, alam ko din, hindi naman ako pinilit
Ng eskwelahan na iyon na dun ipasok ang
anak ko. E Nagkataon na iyon ang Alma Mater
ko, nagkataon Walking distance lang siya mula
sa bahay namin at nagkataon Na Pangalawa
yun sa pinaka-magandang High School Sa
bayan ko.,pero hindi katwiran yun Para
kimkimin ko na lang ang bagay na ito.


At Ito naman ay hindi lang sa particular na
Eskwelahan Na iyon, itoy sa halos lahat ng
Private high school sa Pilipinas.

Calling DepED and CHED, I think it’s about
Time you look into this matter.



Thursday, June 16, 2011

Naman mga Ma'am at Sir!



Dumaan din naman ako sa HighSchool.
Nausuhan din naman ako ng Teacher na
nagpapabalot ng may kulay na art paper sa notebook.




Pero kalabisan naman yata na napaka-specific naman
ng hinihingi sa mga mag-aaral ngayon. Kailangan yung
may tatak pa na Notebook, gaya ng corona daw, Ayaw
daw ng notebook na maliit, at kailangan pa ng filler folder.
at iyan ay hiningi lang para sa isang Subject.



At eto ang pinaka-malupit sa lahat, yung alam mong
yung lumipas na Linggo bago ang pasukan kinumpleto mo
ng ayusin ang gamit ng anak mo, pero heto kagaya kanina
pagod na pagod ka sa maghapong pagtatrabaho para lang
salubungin ka ng anak mo at madaliing magbalot ng notebook, 
na alam mong nabalutan mo na ng maayos, pero hindi, kailangan
daw TWO-TONED pa! 





P#@*^&*@#! naman!


Isa din naman akong Teacher.
Alam ko na hindi maiiwasan na magkaroon
tayo ng mga tinatawag na requirement sa
ating mga estudyante. Pero naman mga ka-Guro ko
sa hirap ng buhay ngayon, Makain nga wala e!
Kung ano-ano pa hinihilingi!


(At hiningi ko na ng Patawad sa Diyos kung hindi ko man
napigilan ang damdamin ko...)
.
.

Wednesday, May 11, 2011

PANAWAGAN: Sa Matatamis ang Dila noong MAY 10, 2010

Kanina pang 4th session na ng rehab ko - YES!!!
Limang session na lang, sana magkaroon na ng
malaking improvement ang kanang paa ko. Gusto ko
ng maranasan na makalakad ulit ng normal at ayoko ng
unahan sa pila ang mga Senior Citizen - NAKAKAHIYA!

Speaking of Senior Citizen, while waiting for my turn, I was
just listening to their conversation. Sa sobrang tagal na nila
na nagpapa-rehab, magkaka-kilala na sila, 2001 pa yung
narinig ko na pinaka-matagal sa kanila.

Isa sa napag-usapan ay ang kakulangan ng kagamitan, kasi
naman hindi pa kami maisalang kasi wala pang mainit na tubig
na ginagamit pang hot compress. Pumapalya na ang nag-iisang
water heater na gamit ng Center. Isa sa bumabangka ay si
Tatay Leader (yan na lang muna ang itawag natin sa kanya
dahil nakalimutan ko ang pangalan niya). 

Tatay Leader - kasi sa kanya ka magpapalista ng pangalan
pagdating mo sa Center. Isa siya sa pinakamatagal na doon,
at sa kanya nakikinig halos lahat ng matatandang kliyente doon.
At base na din sa kwentuhan nila, si Tatay Leader ay ilang beses
na daw sumulat at humingi ng tulong sa KINAUUKULAN upang
bigyang pansin ang kalagayan, partikular na ang
kakulanagn ng kagamitan sa Center, pero ayun, sa ika-5 beses
na pagsusulat niya, hanggang ngayon, balewala lang ang
"pagmamaka-awa" niya. 

At habang nakikinig sa kanila, pinagmasdan ko ang buong paligid.
Siksikan kami - bata, binatilyo, mga matatanda (mga stoke patient
halos),  sa isang maliit na receiving area. Kulang ng upuan, kulang
sa bentilasyon. Naipon na kami sa labas kasi sa loob hindi makapag
umpisa dahil kulang-kulang ng gamit. 

At habang pinagmamasdan ko ang matatanda na nag-uusap,
naisip ko lang sa simpleng water heater na nagkakahalaga lang ng
P140.00 hindi pa mai-provide ng KINAUUKULAN, paano pa
yung magpagawa ng malaking espasyo para naman maging 
komportable ang ating mga Senior Citizen.

Kaban ng Bayan? Pork Barrel? Nasaan na?

Lahat tayo may magulang na tumatanda, at lahat tayo ay tatanda,
sana lang bigyang pansin ng dapat magbigay ng pansin dito na unahin
ang kapakanan ng mga ganitong klaseng sitwasyon. Huwag sana na
dumating kayo sa kinalalagyan nila dahil hindi maganda sa pakiramdam.

At dahil sa hindi nga siya maganda sa pakiramdam (coz I feel I'm one
of them) - naipangako ko tuloy sa sarili ko na sa susunod na sweldo
bibili ako ng water heater at ido-donate ko sa center.

E ano kung hindi ako Brgy Captain, Konsehal,Mayor, Congressman
o Governor - me P140.00 naman ako! 


Wednesday, April 20, 2011

Bukas Holy Friday, PRUSISYON na naman...


Magi-isang taon na pala mula ng binura ako
ng isang dating "kaibigan" sa facebook account niya
dahil may post ako sa wall ko, nag comment siya,
humaba ang trail at tila napikon siya.

If my memory serves me right, my post goes something
like this:

"We have 365 days in a year, isang araw lang dinaraos
ang prusisyon (Holy Friday),hindi ba pwedeng sa ibang araw 
na lang isuot ang SHORT-SHORTS at SUPER MINI SKIRT.
May 364 days pa naman.

At ang aso, kailangan ba talagang isunod pa kung obvious
naman na pang "show-off lang"

Nag-comment siya na:

Hindi naman daw namimili ang panginoon
kung sino at ano ang itsura ng mga sumusunod sa kanya.

Ang reply ko:

I respect your opinion, it's true. But, my point is, sa mga
personal nating okasyon sa buhay, birthday, wedding,
anniversary, date, naghahanda tayo ng kasuotan,
nagpapaka-pormal, bakit hindi sa ESPESYAL na ARAW
at LIBING ng Panginoon?

Isang araw lang, 3-4 na oras na sakripisyo na huwag munang
isout ang ganoong klaseng damit sa prusisyon ay
napaka-hirap ba naman na gawin?

Humaba ng humaba ang usapan hanggang may 2 pa kaming 
kaibigan na katulad ng opinyon ko. Ayun, dun na yata siya
napikon.Days after, nalaman ko, binura na niya kaming tatlo
sa lists niya.

Napa-isip ako bakit kailangan pa na umabot sa "magbura"
ang isang tao ng kaibigan dahil lamang sa palitan ng opinyon:

Naisip ko: 

Una : Ang OPINYON ay parang apelyido, hindi napipilit,
hindi pinahihiram, hindi pinamimigay. Mayroon tayong
kanya-kanya na dapat igalang ng bawat isa.

Pangalawa: Kung hindi mo kayang makipag-diskusyon at
mapipikon ka lang din naman sa bandang huli, huwag ka ng
papasok sa isang usapan na hindi mo naman pala kayang labasan.

Siguro may mga tao na talagang sensitibo, at sorry kung
na-offend kita. Pero kung mapapag-usapan ulit natin ang
katulad na topic, hindi pa din mababago ang opinyon ko,
at igagalang ko pa din ang opinyon mo.

Hindi ako mapipikon, at hindi aabot na buburahin kita sa listahan ko.

OO, aminado ako na nanghihinayang ako sa
pagka-kaibigan natin pero mas mahalaga na nalaman ko
hanggat maaga na me batayan pala ang pakikipag-kaibigan mo-

na kapag hindi umayon sa prinsipyo at opinyon mo ang
isang tao, hindi mo siya papapasukin sa buhay mo.


"What's not to love about diversity? 
We're all different. If you can't stand uniqueness 
then your destiny is you alone in front of a mirror"

- Anonymous