Saturday, June 18, 2011

SAMPUNG KILO


Hindi naman sa pakialamera ako sa
Curriculum ng may Curriculum, pero
Bilang magulang, may karapatan
Akong mag-tanong at mag-urirat
Kung may mga bagay na sa tingin
Ko e parang hindi yata tama.

Gaya na lang nito:

Base sa napakagandang penmanship
Ng anak ko, heto ang schedule nila sa
Araw-araw sa buong lingo.



So, it means, ito ang dapat nilang BUHATIN
Sa umaga pa lang pagpasok, sa maghapon
kada  palit ng room at Sa pag-uwi sa hapon.




Hindi naman sa pang-aano, e kayo kaya
ang pagbuhatin ng halos 10 kilong bigat
kung hindi mabali ang likod ninyo!

Posible naman sigurong gumawa ng
Schedule Na hindi magiging ganito
kabigat,  LITERALLY, Para sa mga estudyante. 
Me paraan, OO. Gaya Nung Grade 5 at
Grade 6 ang anak ko Iniiwan nila ang ibang
libro sa school para Hindi na siya araw-araw
binibitbit ng mga bata.

Pero dahil sa nitong taon na ito, napag-
Alaman Ko na kung may kakilala ka na
Higher year pwedeng Mong bilhin ang used
Book para makatipid, At ngayon Lang nag-
Sink in sa akin, na kaya pala 2 taon na din
bago magtapos ang school year,  Halos 4 sa
12 libro na lang ng anak ko ang naiuuwi
Niya, dahil NAWAWALA na daw sa room!


E di bale sana kung barya-barya lang
ang presyo ng mga libro ngayon!

(click on the picture to enlarge, ng ma-enlarge din ang mga mata ninyo)

At hindi bale sana kung lahat ng libro e
Magagamit ulit sa susunod na taon,
pano kung nagkaroon na ng Revision –

Gaya ng libro na ito na napaka-kapal
At Pinakamahal sa lahat - Php710.00!!!




Taon-Taon ang revision nito, mind you!


OO, alam ko din, hindi naman ako pinilit
Ng eskwelahan na iyon na dun ipasok ang
anak ko. E Nagkataon na iyon ang Alma Mater
ko, nagkataon Walking distance lang siya mula
sa bahay namin at nagkataon Na Pangalawa
yun sa pinaka-magandang High School Sa
bayan ko.,pero hindi katwiran yun Para
kimkimin ko na lang ang bagay na ito.


At Ito naman ay hindi lang sa particular na
Eskwelahan Na iyon, itoy sa halos lahat ng
Private high school sa Pilipinas.

Calling DepED and CHED, I think it’s about
Time you look into this matter.



Thursday, June 16, 2011

Naman mga Ma'am at Sir!



Dumaan din naman ako sa HighSchool.
Nausuhan din naman ako ng Teacher na
nagpapabalot ng may kulay na art paper sa notebook.




Pero kalabisan naman yata na napaka-specific naman
ng hinihingi sa mga mag-aaral ngayon. Kailangan yung
may tatak pa na Notebook, gaya ng corona daw, Ayaw
daw ng notebook na maliit, at kailangan pa ng filler folder.
at iyan ay hiningi lang para sa isang Subject.



At eto ang pinaka-malupit sa lahat, yung alam mong
yung lumipas na Linggo bago ang pasukan kinumpleto mo
ng ayusin ang gamit ng anak mo, pero heto kagaya kanina
pagod na pagod ka sa maghapong pagtatrabaho para lang
salubungin ka ng anak mo at madaliing magbalot ng notebook, 
na alam mong nabalutan mo na ng maayos, pero hindi, kailangan
daw TWO-TONED pa! 





P#@*^&*@#! naman!


Isa din naman akong Teacher.
Alam ko na hindi maiiwasan na magkaroon
tayo ng mga tinatawag na requirement sa
ating mga estudyante. Pero naman mga ka-Guro ko
sa hirap ng buhay ngayon, Makain nga wala e!
Kung ano-ano pa hinihilingi!


(At hiningi ko na ng Patawad sa Diyos kung hindi ko man
napigilan ang damdamin ko...)
.
.

Wednesday, May 11, 2011

PANAWAGAN: Sa Matatamis ang Dila noong MAY 10, 2010

Kanina pang 4th session na ng rehab ko - YES!!!
Limang session na lang, sana magkaroon na ng
malaking improvement ang kanang paa ko. Gusto ko
ng maranasan na makalakad ulit ng normal at ayoko ng
unahan sa pila ang mga Senior Citizen - NAKAKAHIYA!

Speaking of Senior Citizen, while waiting for my turn, I was
just listening to their conversation. Sa sobrang tagal na nila
na nagpapa-rehab, magkaka-kilala na sila, 2001 pa yung
narinig ko na pinaka-matagal sa kanila.

Isa sa napag-usapan ay ang kakulangan ng kagamitan, kasi
naman hindi pa kami maisalang kasi wala pang mainit na tubig
na ginagamit pang hot compress. Pumapalya na ang nag-iisang
water heater na gamit ng Center. Isa sa bumabangka ay si
Tatay Leader (yan na lang muna ang itawag natin sa kanya
dahil nakalimutan ko ang pangalan niya). 

Tatay Leader - kasi sa kanya ka magpapalista ng pangalan
pagdating mo sa Center. Isa siya sa pinakamatagal na doon,
at sa kanya nakikinig halos lahat ng matatandang kliyente doon.
At base na din sa kwentuhan nila, si Tatay Leader ay ilang beses
na daw sumulat at humingi ng tulong sa KINAUUKULAN upang
bigyang pansin ang kalagayan, partikular na ang
kakulanagn ng kagamitan sa Center, pero ayun, sa ika-5 beses
na pagsusulat niya, hanggang ngayon, balewala lang ang
"pagmamaka-awa" niya. 

At habang nakikinig sa kanila, pinagmasdan ko ang buong paligid.
Siksikan kami - bata, binatilyo, mga matatanda (mga stoke patient
halos),  sa isang maliit na receiving area. Kulang ng upuan, kulang
sa bentilasyon. Naipon na kami sa labas kasi sa loob hindi makapag
umpisa dahil kulang-kulang ng gamit. 

At habang pinagmamasdan ko ang matatanda na nag-uusap,
naisip ko lang sa simpleng water heater na nagkakahalaga lang ng
P140.00 hindi pa mai-provide ng KINAUUKULAN, paano pa
yung magpagawa ng malaking espasyo para naman maging 
komportable ang ating mga Senior Citizen.

Kaban ng Bayan? Pork Barrel? Nasaan na?

Lahat tayo may magulang na tumatanda, at lahat tayo ay tatanda,
sana lang bigyang pansin ng dapat magbigay ng pansin dito na unahin
ang kapakanan ng mga ganitong klaseng sitwasyon. Huwag sana na
dumating kayo sa kinalalagyan nila dahil hindi maganda sa pakiramdam.

At dahil sa hindi nga siya maganda sa pakiramdam (coz I feel I'm one
of them) - naipangako ko tuloy sa sarili ko na sa susunod na sweldo
bibili ako ng water heater at ido-donate ko sa center.

E ano kung hindi ako Brgy Captain, Konsehal,Mayor, Congressman
o Governor - me P140.00 naman ako! 


Wednesday, April 20, 2011

Bukas Holy Friday, PRUSISYON na naman...


Magi-isang taon na pala mula ng binura ako
ng isang dating "kaibigan" sa facebook account niya
dahil may post ako sa wall ko, nag comment siya,
humaba ang trail at tila napikon siya.

If my memory serves me right, my post goes something
like this:

"We have 365 days in a year, isang araw lang dinaraos
ang prusisyon (Holy Friday),hindi ba pwedeng sa ibang araw 
na lang isuot ang SHORT-SHORTS at SUPER MINI SKIRT.
May 364 days pa naman.

At ang aso, kailangan ba talagang isunod pa kung obvious
naman na pang "show-off lang"

Nag-comment siya na:

Hindi naman daw namimili ang panginoon
kung sino at ano ang itsura ng mga sumusunod sa kanya.

Ang reply ko:

I respect your opinion, it's true. But, my point is, sa mga
personal nating okasyon sa buhay, birthday, wedding,
anniversary, date, naghahanda tayo ng kasuotan,
nagpapaka-pormal, bakit hindi sa ESPESYAL na ARAW
at LIBING ng Panginoon?

Isang araw lang, 3-4 na oras na sakripisyo na huwag munang
isout ang ganoong klaseng damit sa prusisyon ay
napaka-hirap ba naman na gawin?

Humaba ng humaba ang usapan hanggang may 2 pa kaming 
kaibigan na katulad ng opinyon ko. Ayun, dun na yata siya
napikon.Days after, nalaman ko, binura na niya kaming tatlo
sa lists niya.

Napa-isip ako bakit kailangan pa na umabot sa "magbura"
ang isang tao ng kaibigan dahil lamang sa palitan ng opinyon:

Naisip ko: 

Una : Ang OPINYON ay parang apelyido, hindi napipilit,
hindi pinahihiram, hindi pinamimigay. Mayroon tayong
kanya-kanya na dapat igalang ng bawat isa.

Pangalawa: Kung hindi mo kayang makipag-diskusyon at
mapipikon ka lang din naman sa bandang huli, huwag ka ng
papasok sa isang usapan na hindi mo naman pala kayang labasan.

Siguro may mga tao na talagang sensitibo, at sorry kung
na-offend kita. Pero kung mapapag-usapan ulit natin ang
katulad na topic, hindi pa din mababago ang opinyon ko,
at igagalang ko pa din ang opinyon mo.

Hindi ako mapipikon, at hindi aabot na buburahin kita sa listahan ko.

OO, aminado ako na nanghihinayang ako sa
pagka-kaibigan natin pero mas mahalaga na nalaman ko
hanggat maaga na me batayan pala ang pakikipag-kaibigan mo-

na kapag hindi umayon sa prinsipyo at opinyon mo ang
isang tao, hindi mo siya papapasukin sa buhay mo.


"What's not to love about diversity? 
We're all different. If you can't stand uniqueness 
then your destiny is you alone in front of a mirror"

- Anonymous


Tuesday, April 19, 2011

KWENTONG PAA AT SAPATOS

I, unfortunately, currently suffering from FOOT PAIN.
Magpapa Check-up pa lang ako so, I made some research
at ang pinaka malapit sa katotohanan ay -

PLANTAR FASCIITIS
commonly causes stabbing pain that usually occurs with your 
very first steps in the morning. Once your foot limbers up, 
the pain of plantar fasciitis normally decreases, 
but it may return after long periods of standing 
or after getting up from a seated position.

One risk factor? 

Flat thin-soled shoes, as well as shoes without enough 
arch support or flexible padding to absorb shock.


Since the time my "third-eye" was opened to the beauty of 
shoeeeeseeezes, isa lang naman ang style na palagian kong 
binibili - FLAT SHOES AND FLAT SANDALS!


I have all types of shoes' -




These are my MALL sandals.

Sila yung parati kong suot whenever I go
to the mall. Ang sabi ko kasi- flat and open,
so, komportable sa paa kahit mag-iikot maghapon.



These are the shoes that I wear at work.

All flats, mostly doll shoes to hide the length of
my foot hehe... and mostly black kasi safe color yun di ba



I'm not a sporty person pero sabi nila you should also have
at least a pair of rubber shoes in your cabinet.




These are the shoes that I seldom wear.

Maybe because of sentimental reasons. They're
with me for ten (10) years now. Or happy lang ako 
every time I look at them that despite of the
old age and mileage, buo pa din sila.


But now, I am forbidden to wear all those 
FLAT shoes and sandals because it's really 
not advisable to wear it all the time. 
At dahil sila ang salarin kung bakit I am
suffering from foot pain. Terrible Pain mind you!


Heaven sent, a friend of mine advised me to buy this 
sandals that has medical benefits especially in my case.


So, I bought one:



The benefits are:

- help increase leg and bottom muscle activity (up to 30%). 
(so you feel less ache in your hips and knees)
- absorb more shock than a normal shoe (up to 22%)
- help realign ground force reaction closer to your joints
- reduce foot pressure and pain from heel spurs and Plantar Fasciitis

Impressive huh!

Now I'm planning to buy another pair because
the product is really effective. Four (4) days
ko pa lang siya ginagamit and it really works.

This is the one I'm planning to buy.
The strap is kinda formal that I can use sa work


But the price of their product is "amazing" too!
But then again, it's worth it.

How much each?

Kapag siguro naibenta ko na ang kalahati
nito, makakabili na ko ng ISA!



PM me if your interested: Size 8 1/2 -9

LOL!

Sunday, April 3, 2011

Ang Kwentong Rated GP

Rated GP.

"Garantisadong Pambata - Ligtas Tigdas ang Pinas"

Abril 4, 2011 - umpisa ngayon ng programa ng DOH
na magbahay-bahay sa komunidad upang magbigay
ng libreng bakuna sa tigdas.


Noong unang panahon pa lamang, ang bakuna sa tigdas
at iba pang mga bakuna sa mga Health Center
ay talaga namang libre lang na ibinibigay sa komunidad.
Ang programang ito ay upang matulungan ang
mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na hindi
kayang tustusan ang pangangailangan nila sa kalusugan.

Pero alam nyo ba ang kwento kung bakit kailangan pang
MAGBAHAY-BAHAY? Eto yun:

Ang Nars, napadaan sa bahay ni Aling Aida:

Nars: 
Aling Aida, bukas me libreng bakuna po sa tigdas. Dalhin
nyo po si Nene at si Toto sa Health Center. Para po ito
sa kanilang kalusugan

Aling Aida:
Ay, kagaling naman pala ano.

Nars:
Opo, Ang gamot po ay libre, magdala lamang po kayo ng limang (5)
piso, tulong para pantustos sa gagamiting herengilya, bulak at alcohol.

Aling Aida:
Ah ganon ba, sige.

Kinabukasan ng hapon: 

Nars, napadaan ulit sa bahay ni Aling Aida

Nars 
Nene, Toto bakit hindi kayo nagpunta sa Health Center
kanina.Sayang naman, para yon sa kalusugan ninyo.

Nene
E wala daw po kasing pera si Nanay.

Nars
Naku ganon ba, e nasaan ba siya?

Nene
Ayun po (sabay turo)

Aling Aida
Sa "B" katorse, opss, oppss wala munang bi-bingo, paubos na puhunan ko

Talaga namang nakaka- "TUWA" ang mga Pilipino di ba?!!

Kaya binabati ko ang DOH sa walang humpay na suporta
at pagtitiyaga sa ating mga Pilipino.

Mabuhay kayo

Saturday, April 2, 2011

PLASTIK


Hindi natin kailangan maging magkaibigan para magkasundo.

At hindi natin kailangan mag-away upang iparamdam
na wala tayong pakialam sa isat-isa.

Nag-uusap tayo dahil kailangan nating mag-usap
Nagkakasama tayo dahil kailangan natin magsama
Pero hindi dahil sa nagpa-plastikan tayong dalawa.

Hindi ako naniniwala sa salitang "plastik"

Propesyonal at Sibil - OO.

Alam mo ba kung bakit sadyang napaka-hiwaga ng mundo?

Kasi kahit ang anong hidwaan, o pader na namamagitan sa 
dalawang tao, me pinagkakasunduan pa din sila -

Hindi mo siya gusto, hindi ka niya gusto.

Malinaw  di ba?

Now, lets get back to work.