Wednesday, April 20, 2011

Bukas Holy Friday, PRUSISYON na naman...


Magi-isang taon na pala mula ng binura ako
ng isang dating "kaibigan" sa facebook account niya
dahil may post ako sa wall ko, nag comment siya,
humaba ang trail at tila napikon siya.

If my memory serves me right, my post goes something
like this:

"We have 365 days in a year, isang araw lang dinaraos
ang prusisyon (Holy Friday),hindi ba pwedeng sa ibang araw 
na lang isuot ang SHORT-SHORTS at SUPER MINI SKIRT.
May 364 days pa naman.

At ang aso, kailangan ba talagang isunod pa kung obvious
naman na pang "show-off lang"

Nag-comment siya na:

Hindi naman daw namimili ang panginoon
kung sino at ano ang itsura ng mga sumusunod sa kanya.

Ang reply ko:

I respect your opinion, it's true. But, my point is, sa mga
personal nating okasyon sa buhay, birthday, wedding,
anniversary, date, naghahanda tayo ng kasuotan,
nagpapaka-pormal, bakit hindi sa ESPESYAL na ARAW
at LIBING ng Panginoon?

Isang araw lang, 3-4 na oras na sakripisyo na huwag munang
isout ang ganoong klaseng damit sa prusisyon ay
napaka-hirap ba naman na gawin?

Humaba ng humaba ang usapan hanggang may 2 pa kaming 
kaibigan na katulad ng opinyon ko. Ayun, dun na yata siya
napikon.Days after, nalaman ko, binura na niya kaming tatlo
sa lists niya.

Napa-isip ako bakit kailangan pa na umabot sa "magbura"
ang isang tao ng kaibigan dahil lamang sa palitan ng opinyon:

Naisip ko: 

Una : Ang OPINYON ay parang apelyido, hindi napipilit,
hindi pinahihiram, hindi pinamimigay. Mayroon tayong
kanya-kanya na dapat igalang ng bawat isa.

Pangalawa: Kung hindi mo kayang makipag-diskusyon at
mapipikon ka lang din naman sa bandang huli, huwag ka ng
papasok sa isang usapan na hindi mo naman pala kayang labasan.

Siguro may mga tao na talagang sensitibo, at sorry kung
na-offend kita. Pero kung mapapag-usapan ulit natin ang
katulad na topic, hindi pa din mababago ang opinyon ko,
at igagalang ko pa din ang opinyon mo.

Hindi ako mapipikon, at hindi aabot na buburahin kita sa listahan ko.

OO, aminado ako na nanghihinayang ako sa
pagka-kaibigan natin pero mas mahalaga na nalaman ko
hanggat maaga na me batayan pala ang pakikipag-kaibigan mo-

na kapag hindi umayon sa prinsipyo at opinyon mo ang
isang tao, hindi mo siya papapasukin sa buhay mo.


"What's not to love about diversity? 
We're all different. If you can't stand uniqueness 
then your destiny is you alone in front of a mirror"

- Anonymous


Tuesday, April 19, 2011

KWENTONG PAA AT SAPATOS

I, unfortunately, currently suffering from FOOT PAIN.
Magpapa Check-up pa lang ako so, I made some research
at ang pinaka malapit sa katotohanan ay -

PLANTAR FASCIITIS
commonly causes stabbing pain that usually occurs with your 
very first steps in the morning. Once your foot limbers up, 
the pain of plantar fasciitis normally decreases, 
but it may return after long periods of standing 
or after getting up from a seated position.

One risk factor? 

Flat thin-soled shoes, as well as shoes without enough 
arch support or flexible padding to absorb shock.


Since the time my "third-eye" was opened to the beauty of 
shoeeeeseeezes, isa lang naman ang style na palagian kong 
binibili - FLAT SHOES AND FLAT SANDALS!


I have all types of shoes' -




These are my MALL sandals.

Sila yung parati kong suot whenever I go
to the mall. Ang sabi ko kasi- flat and open,
so, komportable sa paa kahit mag-iikot maghapon.



These are the shoes that I wear at work.

All flats, mostly doll shoes to hide the length of
my foot hehe... and mostly black kasi safe color yun di ba



I'm not a sporty person pero sabi nila you should also have
at least a pair of rubber shoes in your cabinet.




These are the shoes that I seldom wear.

Maybe because of sentimental reasons. They're
with me for ten (10) years now. Or happy lang ako 
every time I look at them that despite of the
old age and mileage, buo pa din sila.


But now, I am forbidden to wear all those 
FLAT shoes and sandals because it's really 
not advisable to wear it all the time. 
At dahil sila ang salarin kung bakit I am
suffering from foot pain. Terrible Pain mind you!


Heaven sent, a friend of mine advised me to buy this 
sandals that has medical benefits especially in my case.


So, I bought one:



The benefits are:

- help increase leg and bottom muscle activity (up to 30%). 
(so you feel less ache in your hips and knees)
- absorb more shock than a normal shoe (up to 22%)
- help realign ground force reaction closer to your joints
- reduce foot pressure and pain from heel spurs and Plantar Fasciitis

Impressive huh!

Now I'm planning to buy another pair because
the product is really effective. Four (4) days
ko pa lang siya ginagamit and it really works.

This is the one I'm planning to buy.
The strap is kinda formal that I can use sa work


But the price of their product is "amazing" too!
But then again, it's worth it.

How much each?

Kapag siguro naibenta ko na ang kalahati
nito, makakabili na ko ng ISA!



PM me if your interested: Size 8 1/2 -9

LOL!

Sunday, April 3, 2011

Ang Kwentong Rated GP

Rated GP.

"Garantisadong Pambata - Ligtas Tigdas ang Pinas"

Abril 4, 2011 - umpisa ngayon ng programa ng DOH
na magbahay-bahay sa komunidad upang magbigay
ng libreng bakuna sa tigdas.


Noong unang panahon pa lamang, ang bakuna sa tigdas
at iba pang mga bakuna sa mga Health Center
ay talaga namang libre lang na ibinibigay sa komunidad.
Ang programang ito ay upang matulungan ang
mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na hindi
kayang tustusan ang pangangailangan nila sa kalusugan.

Pero alam nyo ba ang kwento kung bakit kailangan pang
MAGBAHAY-BAHAY? Eto yun:

Ang Nars, napadaan sa bahay ni Aling Aida:

Nars: 
Aling Aida, bukas me libreng bakuna po sa tigdas. Dalhin
nyo po si Nene at si Toto sa Health Center. Para po ito
sa kanilang kalusugan

Aling Aida:
Ay, kagaling naman pala ano.

Nars:
Opo, Ang gamot po ay libre, magdala lamang po kayo ng limang (5)
piso, tulong para pantustos sa gagamiting herengilya, bulak at alcohol.

Aling Aida:
Ah ganon ba, sige.

Kinabukasan ng hapon: 

Nars, napadaan ulit sa bahay ni Aling Aida

Nars 
Nene, Toto bakit hindi kayo nagpunta sa Health Center
kanina.Sayang naman, para yon sa kalusugan ninyo.

Nene
E wala daw po kasing pera si Nanay.

Nars
Naku ganon ba, e nasaan ba siya?

Nene
Ayun po (sabay turo)

Aling Aida
Sa "B" katorse, opss, oppss wala munang bi-bingo, paubos na puhunan ko

Talaga namang nakaka- "TUWA" ang mga Pilipino di ba?!!

Kaya binabati ko ang DOH sa walang humpay na suporta
at pagtitiyaga sa ating mga Pilipino.

Mabuhay kayo

Saturday, April 2, 2011

PLASTIK


Hindi natin kailangan maging magkaibigan para magkasundo.

At hindi natin kailangan mag-away upang iparamdam
na wala tayong pakialam sa isat-isa.

Nag-uusap tayo dahil kailangan nating mag-usap
Nagkakasama tayo dahil kailangan natin magsama
Pero hindi dahil sa nagpa-plastikan tayong dalawa.

Hindi ako naniniwala sa salitang "plastik"

Propesyonal at Sibil - OO.

Alam mo ba kung bakit sadyang napaka-hiwaga ng mundo?

Kasi kahit ang anong hidwaan, o pader na namamagitan sa 
dalawang tao, me pinagkakasunduan pa din sila -

Hindi mo siya gusto, hindi ka niya gusto.

Malinaw  di ba?

Now, lets get back to work.

Tuesday, March 29, 2011

JELINA JOY CONTRERAS... para sa 'yo to!




MONDAY - ORANGE

Natatandaan ko ito yung time na nagiging
close na tayo. At lagi naman kapag may dala
kang camera, lunes - kaya nagtatawanan tayo
kasi iniisip natin na baka akala ng mga tao
wala na tayong ibang damit hehehe




TUESDAY - YELLOW

It's only now that I realized, hindi tayo madalas
magkita ng Tuesday. Kasi hinalungkat ko na talaga
ang lahat ng album ko, wala tayong picture na magkasama
na naka-yellow. Yung camera case mo may touch of yellow
so, there hehehe. This was in Batis Aramin, Quezon while 
pool hopping. and fooling around each other.






WEDNESDAY - OLD ROSE

This was taken after we dine-out at Mang Inasal
sa Graceland. Sobrang excited na kumpleto ang
grupo, we decided kumain outside the school only
to be pissed off kasi punong-puno ang lugar at wala
tayong maupuan, buti na lang dala mo ang camera mo
so siyempre happy ever after pa din ang ending.





THURSDAY - GREEN

Your first time at Jetrix  ihawan along the highway.
First time that I also learned na grabe ang appetite 
mo hehehe.. But I love watching you eat kasi I can see 
myself in you, kahit anong kainin walang ebidensya 
hahaha something to be proud of right?! <wink>





FRIDAY - VIOLET

. "the best of both worlds"
yan ang sabi nila, whatever that means hehehe
One of the nicest pictures we have kasi madaming 
like yan sa facebook nung na-upload hahaha...






Ahh this picture.... To be honest Jill I hate
looking at this picture. Hindi ko maipaliwanag
yung nararamdaman ko. May kakaibang pakiramdam.
Ayoko na lang i-entertain kasi ayokong magkagulo tayo.
At tutal sabi ko naman paalis ka na,  magiging maayos
naman siguro. Pero isa lang ang masasabi ko -


NG DAHIL SA PICTURE NINYO NA YAN -








 nalito na ang puso ko....


LOL


Kidding aside  - mami-miss kita ng sobra!
Sana hindi ang pag-alis mo ang katapusan ng lahat.
I will miss your company so much. Your distinct
laughter, our Pictorials and eating escapades.
your stories about Rain and Summer. 

I love you Bakla! Huwag mo kaming kakalimutan ha...





Monday, March 21, 2011

DARK NIGHT

Been sick lately.

Nagpaparamdam na ang mga kalaman lamanan
at kaloob looban ng aking katawan.

Ayokong sabihing tumatanda na ko -
ayooooookoooooo!

May gusto akong sisihin sa mga pangyayaring ito
subalit hindi ko naman maiwasan.
Lagpas isang dekada ko na siyang nasa sistema
kaya't napakahirap para sa akin
(o siguro para kaninuman) na bigla-bigla na lamang itong tanggalin.

In times of happiness and sadness nandiyan siya
In times of depression most especially, siya ang karamay ko.

But I know kahit ano pang pagdadahilan ang gawin ko,
dapat na akong magdesisyon.


Siya o ang Mestisang Bumbay?



(image via FB graffiti - February 25, 2011)


Hay, help me fight the temptation O Lord!


Monday, February 21, 2011

MESTISANG BUMBAY


February 2007, Summer Class, 
it was during  my first semester of Graduate Study 
when this middle-eastern looking guy walked in the room,
wearing a reggae-colored polo shirt, and jeans on flipflops. 

Cool! 

Foreigner? 

Nagta-tagalog kaya siya?


“Tito Mano nga po”  (ah, Pinoy)

Uncle-in-law pala niya si Joseph, 
ang seatmate ko at unang barkada sa graduate school. 
Joseph introduced us and we hit it off as friends since that day.
I save him a seat every class. He always find a way to see me 
during yosi breaks and lunch kapag na-late siya ng pasok.

I must admit may “spark” na noon, but I did not entertain it 
because he’s way too young than me, he call me “Momeh” actually,
and the fact that I was blindly in-love with another guy and
he was dating several girls at that time.

Madalas siyang tumatawag sa landline para makipag-kwentuhan ng
Kung-ano-ano lang. Minsan halata naman na yung tinatanong walang
Kabagay-bagay, obvious na nagpapa-cute lang (hahahhahaha!)
Kaya minsan pinagtataguan ko na siya, and nahalata na din pala niya yun.

Few months after, we were hired by the same institution.
Ironic kasi kung kailan kami magkasama na sa trabaho,
we barely talk and find time to be together.

Siguro nga dahil may kanya-kanya kaming “pinagkaka-abalahan”
and the fact that may awkward moments na kami dahil nga dun
sa “spark”. To even pushed him away, I tried to arrange blind dates
for him to some girl friends and a cousin of mine and for some unknown
reason laging hindi natutuloy.

To cut the story short, we get to become close again July of 2009. 
Nasa isang bangka kami - sugatan, talunan at nangangailangan
ng kalinga at atensyon. Both we’re crying over spilled milk. 

Our friendship was renewed.

Since then mas lalo kaming naging close.
Sa kanya ako humuhugot ng lakas at ganon din siya sa akin.
We get to know each other better- 
likes, dislikes,strengths and weaknesses.
Our similar values and beliefs. And that same
incredible faith in God that made our friendship even stronger.

At dahil doon, yung ‘spark” naging “flame”.  And sabi nga, the rest is history.

Nag “level up” man kami, we never lose touch of that friendship.
May mga araw na we go out and eat and talk like the good old days
na as if bestfriends lang kami. We can sit for long hours just by talking
and laughing, and it helps especially when we have petty fights. 

“Anong problema?”
“Bakit ganito?” 
“Meh may tanong ako?”
“Yan, may sasabihin ako?”
“Ang point kasi ganito?”
“May problema ba?”
“Sa tingin ko mali yung ginawa mo”

When I talk he listens, when He talks, I listen. 
He made me cry, I made him cry. 
We both sometimes cry and laugh at the same time
then giggle with our foolishness afterwards.


I guess it’s true when they say that
Friendship is a good foundation for a lasting relationship.

Sa ngayon madaming plano , pangarap pero walang pressure
sa isat-isa. We try to enjoy whatever we have right now.
I think mas napi-pressure pa ang barkada dahil sa dami ng
suggestions nila sa amin, isa na doon yung gusto na daw
nilang makakita ng “mestisang bumbay” hahaha



The relationship may or may not last 
but I know whatever happens
our friendship will go a long, long way….
.