Monday, February 21, 2011

MESTISANG BUMBAY


February 2007, Summer Class, 
it was during  my first semester of Graduate Study 
when this middle-eastern looking guy walked in the room,
wearing a reggae-colored polo shirt, and jeans on flipflops

Cool! 

Foreigner? 

Nagta-tagalog kaya siya?


“Tito Mano nga po”  (ah, Pinoy)

Uncle-in-law pala niya si Joseph, 
ang seatmate ko at unang barkada sa graduate school. 
Joseph introduced us and we hit it off as friends since that day.
save him a seat every class. He always find a way to see me 
during yosi breaks and lunch kapag na-late siya ng pasok.

I must admit may “spark” na noon, but I did not entertain it 
because he’s way too young than me, he call me “Momeh” actually,
and the fact that I was blindly in-love with another guy and
he was dating several girls at that time.

Madalas siyang tumatawag sa landline para makipag-kwentuhan ng
Kung-ano-ano lang. Minsan halata naman na yung tinatanong walang
Kabagay-bagay, obvious na nagpapa-cute lang (hahahhahaha!)
Kaya minsan pinagtataguan ko na siya, and nahalata na din pala niya yun.

Few months after, we were hired by the same institution.
Ironic kasi kung kailan kami magkasama na sa trabaho,
we barely talk and find time to be together.

Siguro nga dahil may kanya-kanya kaming “pinagkaka-abalahan”
and the fact that may awkward moments na kami dahil nga dun
sa “spark”. To even pushed him away, I tried to arrange blind dates
for him to some girl friends and a cousin of mine and for some unknown
reason laging hindi natutuloy.

To cut the story short, we get to become close again July of 2009. 
Nasa isang bangka kami - sugatan, talunan at nangangailangan
ng kalinga at atensyon. Both we’re crying over spilled milk. 

Our friendship was renewed.

Since then mas lalo kaming naging close.
Sa kanya ako humuhugot ng lakas at ganon din siya sa akin.
We get to know each other better- 
likes, dislikes,strengths and weaknesses.
Our similar values and beliefs. And that same
incredible faith in God that made our friendship even stronger.

At dahil doon, yung ‘spark” naging “flame”.  And sabi nga, the rest is history.

Nag “level up” man kami, we never lose touch of that friendship.
May mga araw na we go out and eat and talk like the good old days
na as if bestfriends lang kami. We can sit for long hours just by talking
and laughing, and it helps especially when we have petty fights. 

“Anong problema?”
“Bakit ganito?” 
“Meh may tanong ako?”
“Yan, may sasabihin ako?”
“Ang point kasi ganito?”
“May problema ba?”
“Sa tingin ko mali yung ginawa mo”

When I talk he listens, when He talks, I listen. 
He made me cry, I made him cry. 
We both sometimes cry and laugh at the same time
then giggle with our foolishness afterwards.


I guess it’s true when they say that
Friendship is a good foundation for a lasting relationship.

Sa ngayon madaming plano , pangarap pero walang pressure
sa isat-isa. We try to enjoy whatever we have right now.
I think mas napi-pressure pa ang barkada dahil sa dami ng
suggestions nila sa amin, isa na doon yung gusto na daw
nilang makakita ng “mestisang bumbay” hahaha



The relationship may or may not last 
but I know whatever happens
our friendship will go a long, long way….
.

Thursday, February 3, 2011

"When it rains, it pours.."



Kasabay ng pag-ulan at pagbaha
pati na ng kulog at kidlat -


hindi ko hahayaang lunurin ako
ng agos ng tubig na hihila
sa akin pailalim.

pipilitin kong ikampay ang aking
mga paa't kamay.

susubukan kong lumangoy
kahit pasalungat ako sa daloy
ng tubig.

pipilitin kong iangat ang aking ulo
paibabaw, at buksan ang aking 
mga mata kahit hilam sa alon -

dahil alam kong may kahoy akong
makakapitan basta't manalig lamang...


                               (FB grafitti artwork  / February 03, 2011)

.

Sunday, December 19, 2010

Friday, November 19, 2010

HAPPINESS



Sabi nila " happiness is a choice"
Pero sabi din nila " In every rule theres an exemption"

Sa ngayon, masasabi kong hindi ako masaya sa
pangkalahatang aspeto ng buhay ko.

Sa Trabaho -

Dahil wala akong choice na trabahuhin ang isang bagay
kahit wala doon ang interes, puso't isipan ko

Dahil sa doon ako umaasa ng mga pangunahing
pangangailangan sa buhay.

Dahil ito ang katulong ko sa pagtaguyod sa anak ko.


Sa Pagiging Anak

Dahil hindi ko maabot ang mga ekspektasyon
na binuo ng nanay ko sa sarili nya para sa akin.

Dahil lagi kaming magkasalungat ng mga interes,
opinyon at prinsipyo sa buhay

Dahil hindi siya bilib sa dedikasyon ko
at sa mga ginagawa ko sa trabaho.

Dahil hindi niya matanggap na hindi ako masigla 
ng nasa loob lamang ng bahay

Dahil hindi siya kontento na ito pa lamang ang
nararating ng buhay ko

Dahil hindi ko matahak ang tinahak ng buhay niya.


Sa Pagiging Ina

Dahil hindi ko mabigyan ang anak ko ng
normal na buhay ng isang pamilyang buo

Dahil hindi ko siya mabigyan ng sapat na oras.

Dahil hindi ko siya masolong palakihin ayon sa gusto
ko dahil wala pa ako sa posisyon na gawin yun


Sa ngayon tatlong bagay lamang ang
nagpapasaya sa akin:


Ang Anak ko

Dahil kahit alam kong hindi ko siya nabibigyan
ng sapat na oras, mahal pa din nya ko

Dahil alam kong may kasama ako hanggang pagtanda.

Dahil alam kong hindi ako mag-iisa.

Dahil siya ang dahilan bakit kailangan ko pang mabuhay.


Ang buhay pag-ibig

Dahil tinutulungan niya akong kulayan ang maiitim
na bahagi ng buhay ko

Dahil kaya niyang tanggapin ang mga bagay na ako mismo
sa sarili ko ay hindi ko matanggap

Dahil nailalabas ko ang mga saloobin ko ng walang
kasamang paghusga o pagtatwa

Dahil nagagawa niya akong pangitiin at patawanin
kapag nakalugmok ako sa kalungkutan

Dahil pinararamdam niya sa akin ang tinatawag
na pagmamahal.


Ang relasyon ko sa Panginoon

Dahil patuloy niya kong pinatatatag
Dahil hindi niya ko hinuhusgahan
Dahil hindi niya ko binibitawan
Dahil sa pagbibigay ng masiglang pangangatawan

At Dahil sa kabila ng mga nabanggit ko sa itaas patuloy
pa din ang walang humpay na biyaya.

Friday, November 12, 2010

SA TOTOO LANG

Huwag mo sanang pagbintangan
Ang Diyos na iniwanan ka niya
Sa mga oras na kailangan mo siya.

Dahil sa totoo lang_

Ikaw ang bumitaw.
Ikaw ang nang-iwan.

Dahil nagduda ka at nawalan ng tiwala sa kanya.


Saturday, October 23, 2010

MAGKWENTA KA NAMAN

I am raising my son alone
I am paying for his tuition monthly.
I am paying for our electric bill.
I am paying half of our water bill.
I share on our grocery bill
I am paying for the family's laundry.

All that in less than 20k salary a month.

Kaya tantanan nyo na ang kaka-tanong
kung umiinom o nagpapa inject ba ako ng
GLUTATHIONE na yan!

MInsan hindi lahat ng sinasabi ng tao compliment ang dating.
Minsan hindi lahat ng araw okay ang mood ng tao.

At dahil sa mga taong katulad ninyo... 
Minsan naisip ko na sumpa yata ang kulay ko- 


eto lang sasabihin ko:

"maganda nga ang kulay ninyo e- hindi dumihin..."


naka-offend ba ko?

Naman! 

ganon talaga ang kalakaran sa buhay
"what goes around, comes around..."

araw mo kahapon, araw ko naman ngayon!

(hmm, kaya ka siguro hindi pumuti kasi PALAGI na lang araw mo, subukan mo kayang sumilong minsan... )






.